‘Ang Probinsyano’ endgame na — Baron

Nitong Martes nga ay bumuhos ang emosyon ng mga televiewer nang mamatay si Cardo Dalisay (Coco Martin) sa “Ang Probinsyano.”

The post ‘Ang Probinsyano’ endgame na — Baron appeared first on Abante News Online.

ang probinsyano endgame na baron - ‘Ang Probinsyano’ endgame na — Baron
ABANTE baron 1 - ‘Ang Probinsyano’ endgame na — Baron

Nitong Martes nga ay bumuhos ang emosyon ng mga televiewer nang mamatay si Cardo Dalisay (Coco Martin) sa “Ang Probinsyano.”

Nitong Miyerkoles, ay inabangan nga ng lahat kung panaginip lang ba ang pagkamatay ni Cardo pero mali ang akala nila, dahil totoong nasa bingit ng kamatayan ngayon ang bida na si Cardo.

Sinimulan ang episode noong Miyerkoles na sinusugod si Dalisay sa ospital at natapos ito na nag-aalala sina Lola Flora (Susan Roces) kasama ang iba pang mga kapwa pulis ni Dalisay dahil nasa kritikal pa rin ang nasabing karakter.

Anyway, may eksena rin na sinabi ng doktor na nauubusan ng dugo si Dalisay at nangangailangan ng magdo-donate nito. Nagboluntaryo naman si Alessandra (Denise Laurel) na magbigay ng dugo kay Dalisay dahil sila ang magka-tipo.

Matatandaang nangyari din last year sa parehas na araw (July 16) na tinamaan naman ng bala si Cardo sa isang bridge kasama si Alyana (Yassi Pressman) pero panaginip lamang iyon.

Sa ngayon, nananatiling palaisipan sa mga fan kung paano malalagpasan ni Dalisay ang stage na ito.

May ibang iniisip kung magkakaroon ba ng amnesia si Cardo kapag nagising, may iba namang nagsasabing may panibagong kambal na lalabas na triplets pala sina Cardo, Ador at hindi pa malaman kung sino.

Maraming naiimbentong istorya sa isip ng bawat fan kaya naman mas tumutok ang nakararami ngayon sa mga susunod pang mangyayari sa nasabing teleserye.

Samantala, mas nakadagdag ng pag-iisip sa mga fan ang kumakalat na video ni Bungo (Baron Geisler) na sinasabi nitong “endgame” na ang “Ang Probinsyano” dahil pinatay niya na si Dalisay. (Athena Yap)

The post ‘Ang Probinsyano’ endgame na — Baron appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *