‘Ang hirap panindigan’ Jennylyn Ultimate Star

Sa loob ng 16 taon sa showbiz ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, mula sa unang titulo niya bilang kauna-unahang “Ultimate StarStruck Survivor” ay siya lang ang may hawak ng titulong “Ultimate Star”.

The post ‘Ang hirap panindigan’ Jennylyn Ultimate Star appeared first on Abante News Online.

ang hirap panindigan jennylyn ultimate star - ‘Ang hirap panindigan’ Jennylyn Ultimate Star
Abante 2019 Jennylyn Mercado - ‘Ang hirap panindigan’ Jennylyn Ultimate Star

NI: ROSE GARCIA

Sa loob ng 16 taon sa showbiz ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, mula sa unang titulo niya bilang kauna-unahang “Ultimate StarStruck Survivor” ay siya lang ang may hawak ng titulong “Ultimate Star”.

Aminado si Jennylyn, may kahalong pressure ang pagiging isang “Ultimate Star”. Mahirap daw  itong panindigan.

“Unang-una, ayoko ng mga names. Parang naiilang ako sa mga names, pero siyempre, pressure ‘yun para sa akin,” saad niya.

Kilala siya bilang isa sa mga versatile star ngayon who can ace both singing and acting.

Pero mapa-career o personal, maituturing na isang tunay na survivor si Jennylyn. Bata pa lang ay may matinding pinagdaanan na sa buhay, hanggang sa iba’t ibang pagsubok na nagawa niyang mapagtagumpayan na malagpasan.

“Siyempre, masarap ang pakiramdam na naging inspirasyon ka sa lahat ng mga tao,” pahayag ni Jen.

Kaya na ba niyang lagpasan kahit anong pagsubok pa ang duma­ting sa kanya?

“‘Yun ang dapat, e, kailangan palagi lang lumaban. Palagi mong labanan ang lahat ng bagay na sumisira sa‘yo, kailangan palagi kang matapat.”

May pinagsisihan ba siya?

“Wala, kasi, kung lahat ng mga pagkakamaling ginawa ko, kung lahat ng masasakit na pinagdaanan ko, lahat kasi ‘yun, ang dami kong natutunan. So, wala akong regret.”

Natakot nang mabuntis ni Patrick

Bukod sa mga learnings, marami na raw siyang mga hindi makakalimutan— kabilang na rin ang mga ups and downs na naranasan niya.

Kung may natutunan man daw siya sa industriya, “Siyempre, maging patient dahil ang trabahong ito ay hindi madali. Kailangan mo ng mahabang pasensya. Marami kang matututunan sa mga makakasalamuha mong tao.

“Hindi ko siguro makakalimutan sa 16 years ko sa industry ‘yung mga advice ng mga directors, ‘yung mga advice ng senior actor na ‘wag magbabago. Huwag makakalimot sa kung saan ka nanggaling. At palagi pa rin nakatapak sa lupa.

“Downsides, alam niyo naman, ‘yung mga pinagdaanan naming hindi magaganda. Bles­sing naman si Jazz, pero siyempre, ‘yun ‘yung parang natakot na ‘ko kung makakabalik pa ba ‘ko sa showbiz. Kung magkakaroon pa rin ako ng career pagkatapos kong mabuntis (ni Patrick Garcia), so para sa akin, ‘yun ang pinaka-downside talaga.”

Bukod sa pagiging Ultimate StarStruck survivor niya, ang pelikulang “English Only Please” raw ang ilan sa maituturing niyang highlight ng career niya.

Gusto ng 1 pang anak

Kung babalik siya, 16 years ago, ano ang sasabihin niya sa sarili niya?
“Kaya mong lagpasan lahat ‘yan!”

Ten years from now, ano ang nakikita na niya sa sarili niya?

“Siguro, puwede kong sabihin sa sarili ko, ‘good job!’ And siguro naman, meron na ‘kong isa pang anak and siguro naman, settled na ‘ko.”

Natulala kay Gabby

Ngayong April, bukod sa magbubukas siya ng sariling YouTube account,
kaabang-abang ang bago niyang primetime series, lalo na ng mga tagahanga ni Jennylyn. Ang pagbabalik niya sa primetime ng Kapuso network sa pamamagitan ng bago niyang romcom serye, ang “Love You Two” sa April 22.

Leading man niya sa unang pagkakataon ang actor na si Gabby Concepcion.

Ang Ultimate StarStruck winner ay aminadong na-starstruck sa kanyang leading man.

“Ako po, sobra kong kabado,” pag-amin niya. “Noong naglu-look test pa lang kami para sa pictorial, hindi ko masabi ‘yung character name niya sa sobrang nerbiyos ko.

“Siyempre, isa si Kuya Gabby sa mga tinitingala nating actor, so ngayong nakakatrabaho ko na siya, e, iba talaga ang pakiramdam.

“At sa totoong buhay, napakabait po niya. Maalaga, gentleman.”

Type maging sira-ulo

Dream Role: “Siguro, psycho-thriller, hindi ko pa nagagawa ‘yun.”

Dream Wedding: “Wala pa kong nai-imagine…”

Dream House: “Wala na, okay na ‘ko sa house ko.”

Dream Travel Destination: “Sa Africa! Hindi ko pa siya napupuntahan.”

Dream for Jazz: “Siyempre, sana ay patuloy siyang lumaki nang may respeto, mabait at gusto ko, matupad ang lahat ng gusto niyang mangyari sa buhay niya.”

Dingdong, Sarah pantasyang makasama sa pelikula

Marami pa rin daw siyang hindi nakakatrabaho o nakakapareha kahit sa mismong Kapuso network.

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Dingdong Dantes sa isang soap. Ay, hindi, naka-trabaho ko na pala siya sa ‘Encantadia’! Pero, tatay ko siya ro’n.”
Sa mga babae, si Sarah Geronimo agad ang binanggit nito.

“Kasi, ang cute niya! Fan ako ni Sarah, popster ako!” pag-amin niya.

Dennis ‘the one’ na ni Jen

Sabi nga namin kay Jennlyn, kahit na hindi siya masyadong nagkukuwento at nagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Dennis Trillo, naibabahagi nila ito sa kanilang mga social media account.

“Oo naman, siyempre, dapat palagi tayong happy. Dapat palaging positive ang aura natin. At saka, mai-inspire ang mga tao sa‘yo kapag palagi kang masaya.”

Masasabi niya bang ang boyfriend na si Dennis Trillo na nga ang “the one” para sa kanya?

“Oo naman!” ang buong ningning na sagot naman ni Jen.

The post ‘Ang hirap panindigan’ Jennylyn Ultimate Star appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *