Andrea tukso sa kalalakihan

Matinding paghahanda nga ang ginawa ni Andrea Torres para sa “The Better Woman” dahil gusto niyang ma-achieve ang kaseksihan na hinahanap sa kanya ng mga kalalakihan. Puspusan ang ginawa niyang pagpapapayat.

The post Andrea tukso sa kalalakihan appeared first on Abante News Online.

andrea tukso sa kalalakihan - Andrea tukso sa kalalakihan
ABante andrea1 - Andrea tukso sa kalalakihan

NI: ROSE GARCIA

Matinding paghahanda nga ang ginawa ni Andrea Torres para sa “The Better Woman” dahil gusto niyang ma-achieve ang kaseksihan na hinahanap sa kanya ng mga kalalakihan. Puspusan ang ginawa niyang pagpapapayat.

“Nag-gym talaga ako. Kasi siyempre, ‘yung leading man ko, super active, tapos maintain talaga siya.

“Eh ako, kapag may pinaghahandaan, sige, pero ‘pag wala, go. Eh dito sa soap na ‘to, six months na ‘kong diet, gym talaga. ‘Yung anytime, ready ka talaga.

“Tapos may pole dancing. Masakit siya! Alam ko naman na mahirap, pero grabe ang laki ng respeto ko sa mga nagpo-pole dan-cing. Kasi ‘yung pasa, grabe.

‘Yung pinagdadaanan para magawa mo ‘yung stunt na ‘yun, grabe,” sabi ni Andrea.

Kitang-kita nga ang pagiging game ni Andrea kahit sa anong daring scene, pero aminado itong matindi rin daw ang kabang inaabot niya lalo na sa mga unang eksena nilang ginawa ni Derek Ramsay na talagang intimate at daring.

“Siyempre kinakabahan ako, like ‘yung mga scenes na super sexy, dahil hindi ko pa siya nagagawa kasi.

“Iniiwasan ko siya for the longest time, pero na-convince ako kasi sabi ko, ang ganda-ganda. Very challenging bilang isang artista at bilang audience, parang every episode, exciting.”

Anyway, palagi naming naaalala noon na talagang tumatanggi si Andrea na magpa-sexy. Kahit ang maging cover ng isang men’s magazine dati ay matagal bago siya nakumbinse na gawin. Umiiyak pa ito dahil hangga’t maaari, ayaw niya talagang magpa-sexy.

Kaya sabi namin kay Andrea, looking back at nakikita niya ang sarili ngayon na puwedeng sabihing object of desire na rin, lalo na ng mga kalalakihan, ano ang nararamdaman niya?

“Naiiyak ako… iba kasi kapag napapanood mo na, nagsama-sama na ang mga eksena. Ang sarap ng feeling kasi, ang tagal din naman bago ako napagkatiwalaan ng mga roles.”

Paano nawala ang mga inhibition niya?

“Siguro ano na lang, noong kinausap kasi ako ng management ko, na-convince naman nila ko na it’s time to take risk.

“Kasi noon, palagi akong safe, pero noong sila na ang nagsabi and since trusted ko naman sila.”

****
Derek super yummy

Para kay Andrea, masarap at okay raw talaga na leading man si Derek.
“Very maalaga siya, gentleman.
“Masarap siyang katrabaho kasi nga, marunong siyang makiramdam. Hindi siya selfish. Hindi ko rin napi-feel na Derek Ramsay siya. Hindi ko rin napi-feel na meron na siyang ganu’ng narating.”
Masaya raw siya sa mga naririnig niya at sinasabing maganda ang chemistry nilang dalawa on-screen.
“Siyempre, happy po kami kasi ‘yun naman talaga ang goal. And bonus na lang talaga na unang pagsasama pa lang namin talaga, may connect na.”
Hindi sila magkakilala at all ni Derek bago nila ginawa ang “The Better Woman.” Paano nawala ang ilangan?
“Noong in-introduce kami, parang small talks lang. Tapos, ang daldal na namin.
“Hindi kami nag-effort. ‘Yun ang maganda. Parang nangyari na lang na naging friends. Nakakapag-asaran na kaming dalawa.”

***

AndRek may lihim na relasyon

Sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Derek at ng ngayo’y ex-girlfriend na niya na si Joanne Villablanca, mabilis na si Andrea ang naiturong dahilan ng hiwalayan.
Pero mariin nga niyang sinasabi na hindi siya naging third party at wala siyang kinalaman sa break-up ng mga ito.
Nagpapasalamat din si Andrea kay Derek sa ginagawang paglilinaw ng pangalan niya. Napag-uusapan ba nila ni Derek ang isyu?
“Hindi po namin napag-uusapan kasi, feeling ko, pareho kaming may goal sa soap na ‘to. First soap niya with GMA while ako naman, may gusto akong patunayan kasi nga, ipinagkatiwala ito sa akin.
“Hindi ko na rin naman na-feel ang need na tanungin siya kasi, hindi naman niya pina-feel sa akin na may nabago.”
Pero, nag-sorry raw ito sa kanya?
“Nag-sorry siya at parang ‘yun ang maganda sa kanya. Wini-wish mo na gawin niya, pero naisip na niyang gawin.”
May ilang chika na diumano’y may espesyal na namamagitan na talaga sa pagitan nila, pero siyempre raw, hindi nila ito maaamin pa sa publiko. Muli, itinanggi ito ni Andrea.
Pero, kung sakali, nakikita ba niya kay Derek na puwede siyang ma-in love?
“Nakikita ko talaga ang magagandang qualities sa kanya. Ito ‘yung reason kung bakit ang dali rin naming naging close. Pareho yata kami ng values, humor at pagmamahal sa pamilya.
“Pero, hindi ko kasi ugaling pa-ngunahan. Ayoko kasi ng ganu’n, ang hirap ng ganu’n ha, may mindset ka na or pangungunahan mo. Saka ko na iisipin kapag nangyari.”

***

Sanay na sa panlalait ng
mga fan nina Maine, Marian

Ilang pamba-bash na rin ang pinagdaanan ni Andrea. May ilang diumano’y fan ni Maine Mendoza ang namba-bash sa kanya dahil sa dating relasyon nila ni Sef Cadayona na na-link din kay Maine. Nang magkapareha sila ni Dingdong Dantes sa “Alyas Robin Hood” at nagkaroon ng intriga sa pagitan nila ni Marian Rivera.
Ngayon naman, naba-bash din siya at pinagsa-sabihang nang-agaw, nanira ng relasyon dahil sa Derek at Joanne break-up.
“Hindi naman ako naapektuhan kasi parang in-expect ko na rin. Kasi nga, grabe ‘yung mga eksena namin. Tapos, pareho pang in-love ‘yung characters ko sa character niya. Hindi ko na rin dinamdam.”
Hindi ba siya mas naapektuhan ngayon pagkatapos ng mga pinagdaanan niya sa mga bashers?
“Actually dati, pinapansin ko pang lahat. Naaapektuhan akong talaga,” pag-amin niya.
“Pero, nakahanap ako ng magwu-work for me which is, ‘wag ko na lang basahin. Basta mag-focus lang ako sa blessing, sa work.”

The post Andrea tukso sa kalalakihan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *