Andrea Torres as Juliet puno ng inggit, kinamuhian

Andrea Torres as Juliet puno ng inggit, kinamuhian

Gaya ng karamihang teleserye, sa bandang huli, namamatay ang tunay na kontrabida. At ganyan nga ang naganap sa “The Better Woman” nina Andrea Torres at Derek Ramsay, with Jaclyn Jose.

andrea torres as juliet puno ng inggit kinamuhian - Andrea Torres as Juliet puno ng inggit, kinamuhian
andrea torres 1 - Andrea Torres as Juliet puno ng inggit, kinamuhian

Ni: Dondon Sermino

Gaya ng karamihang teleserye, sa bandang huli, namamatay ang tunay na kontrabida. At ganyan nga ang naganap sa “The Better Woman” nina Andrea Torres at Derek Ramsay, with Jaclyn Jose.

Ang kambal na sina Juliet at Jasmine, na sa simula pa lang na magkita sila ay mortal na magkaaway na. Si Juliet na puno ng inggit, galit sa buhay, at si Jasmine na maunawain, mabait.

Si Juliet na walang ginawa kundi ang wasakin ang buhay ni Jasmine, na umabot sa puntong pati asawa nito ay inagaw niya.

Ano ba talaga ang ipinaglalaban ni Juliet? ‘Yan ang tanong ng mga manonod. Bakit ganu’n katindi ang galit sa puso niya?

Pero ‘yun na nga, kailangan sa huli, mamatay ang kontrabida. At ang kanyang kamatayan, dapat mabigyan din ng kapaliwanagan, lalo na at kakambal pa siya ng bida.

Hindi siya puwedeng mamatay nang walang saysay. At ganu’n nga ang ending ng “The Better Woman”, namatay si Juliet dahil na rin sa kagustuhan na mailigtas ang kapatid.

At sa huli, ang puso niyang napuno ng galit, ay ibinigay niya sa kanyang kakambal.

Heto nga ang reaksyon ng mga manonood:

Mhia Anok Musiba, “Juliet anong nangyayari sau, maawa kanaman sa mga manonood, stress na stressed na kmi sa pinag gagawa mo.”

Just Julieee, “Kudos pa rin sa acting ni Andrea Torres… Grabe grabe ang inimprove nya as an actress.”

Mark Ryan, “Ang weird lng kasi in the end ibinigay ni Juliet puso nia kay Jasmine.”

Felix Recinto III, “Juliet ano bang nangyayari sa iyo? Kinakain na ng galit at poot ang puso maawa ka sa Pamilya mo kay Nanay Erlinda at Jasmine.”

Dark Artisty, “Parang ako lang minsan? naka harap sa salamin kinakausap sarili ko tapos feeling may bida at kontrabida side kunwari.. hahahahha.”

Borj Buitizon, “Pinoy na pinoy ang palabas kapag matatapos pa nagiging action na, kidnapan barilan and all lol.”

Madam vedios, “Same lng tlga istorya ng palabas ng gma mga kabit nagiging kriminal nagkakaron ng goons jusko.”

Shimara Tokabu, “Anu b yan wla mn lng binatbat tong c andrew wlng alam mkpglban bwct.”

Dan Fernandez, “Ang sama nmn ni Juliet pinabayaan lang nya ina nya kahit nabaril na iniwan lang diman dinala sa ospital.”

Hahahaha! Kaloka, ‘di ba? Pero, ‘yan naman ang gusto ng mga gumagawa ng teleserye, ang makuha ang atensyon ng mga manonood. Na kailangang kumulo ang dugo ng mga manonood, para ma-hook sila, at hindi bumitaw sa panonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *