Andrea super landi sa kandungan ni Derek

Pumatong, sumayaw si Andrea Torres sa kandungan ni Derek Ramsay sa unang sabak nila sa Kapuso series nilang “The Better Wo­man.” Sinundan nilang dalawa ang landian ng bugbugan at sampalan.

The post Andrea super landi sa kandungan ni Derek appeared first on Abante News Online.

andrea super landi sa kandungan ni derek - Andrea super landi sa kandungan ni Derek
ABANTE andrea torres wonder woman sif magtanggol - Andrea super landi sa kandungan ni Derek

abante i know better jun nardo 336x224 - Andrea super landi sa kandungan ni DerekPumatong, sumayaw si Andrea Torres sa kandungan ni Derek Ramsay sa unang sabak nila sa Kapuso series nilang “The Better Wo­man.” Sinundan nilang dalawa ang landian ng bugbugan at sampalan.

“I was really nervous, kasi I thought it would be a light day but they chose a difficult scene for both of us.

“First day, first scene, first take, she had to give me a lap dance. And then mapupunta sa sampalan, bugbugan. So we had everything,” saad ni Derek.

Hindi sila nagkaroon ng rehearsal bago ang take. Ayaw rin kasi ng hunk actor na maging mechanical ang eksena nila kapag nag-usap sila.

“I don’t want her to feel uncomfortable but boom! She just transformed,” dagdag niya.

Bukod kina Derek at Andrea, makakasama nila si Ina Feleo, na handang makipagtarayan kay Torres kung aktingan at paseksihan ang labanan, huh!

Jasmine naimbiyerna: 2 mall sa Taguig tumangging ipalabas ang ‘Maledicto’

Dismayado si Jasmine Curtis Smith sa nakaraan niyang tweet dahil sa balak niyang magpa-block screening ng horror movie nila ni Tom Rodriguez na “Maledicto.”

“Two malls in Taguig declined our block screening because apparently they don’t screen local films anymore,” tweet ni Jasmine.

Kaya may netizens (@ysabelkarla, @andgetanaquin) na nalungkot sa tweet ni Jas dahil gusto pa naman nilang mapanood ang movie.

Sabi nga nila, mismong sa Pilipinas ay binabastos ang mga Pinoy, ha!

Humiling din siyang suportahan ang pelikula hanggang weekend dahil alam niyang palabas pa sa mga sinehan ang “The Avengers: Endgame.”

The post Andrea super landi sa kandungan ni Derek appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *