Andrea napatiran ng litid sa syuting

Naaksidente si Andrea del Rosario sa set ng isang Viva show under Cignal Cable. Sa eksena raw, tumatakbo si Andrea kasama sina Katya Santos, Maui Taylor at Jeric Raval.

The post Andrea napatiran ng litid sa syuting appeared first on Abante News Online.

andrea napatiran ng litid sa syuting - Andrea napatiran ng litid sa syuting
abante Andrea - Andrea napatiran ng litid sa syuting

abante anything goes jun lalin 336x224 - Andrea napatiran ng litid sa syutingNaaksidente si Andrea del Rosario sa set ng isang Viva show under Cignal Cable. Sa eksena raw, tumatakbo si Andrea kasama sina Katya Santos, Maui Taylor at Jeric Raval.

“Biglang napahinto si Andrea sa eksenang tumatakbo sila. Parang may lumagatok daw sa paa niya. Natakot siya, pero may mga medic naman sa set, kaya nabigyan siya ng first aid at saka dinala sa hospital,” sabi ng isang nasa set.

Pinag-stay raw overnight sa hospital si Andrea para maobserbahan. At kahapon nga raw ay ok na si Andrea at na-MRI at X-ray na rin siya.

“Parang may napatid na litid kay Andrea, kaya kahit magre-resume na siya ng taping bukas (today), bawal na sa kanya na tumakbo o kahit magsayaw.

“Pinagbawalan din siyang mag-gym,” sabi pa ng kausap ko.

Actually, dahil sa nangyaring insidente sa yumaong veteran actor na si Eddie Garcia sa set ng isang show ng GMA 7, naging mandatory na sa mga taping at mga shooting na may ambulance na naka-standby para kung magkakaroon ng aksidente ay may nakahandang mga medic na magbibigay ng first aid.

Pero may ibang mga taping at mga shooting naman na noon pa man ay may naka-ready na na ambulance at medics.

Michael Cinco balik Pilipinas bukas

Nag-post ang Dubai, United Arab Emirates-based international fashion designer na si Michael Cinco ng picture nila ni Derek Ramsay. Dumalaw si Derek sa shop ng pamosong Pinoy international fashion designer.

Sabi ni Michael, may event si Derek sa Dubai, kaya dumaan sa shop niya.

“Close friend kasi ni Derek ‘yung business partner ko na Egyptian, si Sayed Ali. Nine years na yata silang close. Kapag nandirito si Derek, palagi silang magkasama.

“Nagsukat-sukat na rin ng mga damit si Derek. Kasama niya bale ang manager niya, si Jojie Dingcong na close friend ko naman,” sey ni Michael nang makausap ko kahapon.

Samantala, naikuwento rin ni Michael na darating siya sa Philippines bukas dahil may mga aasikasu-hing mga project.

Kilala si Michael na fave fashion designer ng ilang celebrities sa atin, pero marami ba rin siyang nabihisang Hollywood stars!

The post Andrea napatiran ng litid sa syuting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *