Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek

Nag-post na nga si Andrea Torres ng kanyang selfie. Considered as post-break-up selfie without any caption sa kanyang Instagram account.

The post Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek first appeared on Abante.

andrea mas gumanda nang mahiwalay kay derek - Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek
andrea 1 - Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 1 300x180 - Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay DerekNag-post na nga si Andrea Torres ng kanyang selfie. Considered as post-break-up selfie without any caption sa kanyang Instagram account. Pwede rin naman na nagpapaka-visible na ito lalo pa nga’t siya ang bumida sa fresh episode ng Magpakailanman nitong Sabado.

Ang daming nag-post ng comment na mga celebrity, halos iisa ang sinasabi, pinupuri ang ganda ni Andrea at pagiging blooming daw nito. Marami rin ang nagko-comment na kesyo gaganda pa raw ito dahil nawala na ang stress, huh!

So, considered stress ng ibang netizens ang ex-boyfriend ni Andrea na si Derek Ramsay? Ang daming bashers ni Derek na siya talaga ang agad-agad na sinisisi sa break-up, sa kabila ng wala namang sinasabi ang dalawa sa totoong dahilan ng biglaang hiwalayan.

Isang netizen din ang nag-comment sa post ni Andrea na, “no paawa caption unlike @ramseyderek.”

Posibleng ang tinutukoy nito ay ang last post naman ni Derek kunsaan, pinasalamatan nito ang mga magulang at nagpasalamat din for keeping him strong, believing and protecting him.

Obviously, magkaiba ang coping mechanism nina Derek at Andrea. Ang curious kami, kumusta naman kaya ang mga magulang nila na naging close habang magkarelasyon sila, nagkasira na rin kaya?

Hope not.

Alden hindi ginutom mga empleyado

Minsan nang nabanggit ng Asia’s Multimedia Star na dahil blessed nga siya in-terms of work sa panahon ng pandemic, nagpapasalamat siya dahil dito, naipantutulong din niya kahit sa ibang kasamahan sa industriya na naapektuhan naman.

At dahil may mga business siya, sinisigurado raw ni Alden na regular pa rin na nakatatanggap ng suweldo ang mga tauhan.

At maganda rin sa kanya, kahit ang kinahuhumalingan na online games, nagagawa niyang kapaki-pakinabang dahil sa pagla-livestream niya, yun naman ang isa sa pinagkuhanan niya ng naging relief effort niya para sa mga biktima ng nagdaang bagyo. Dito raw mas nakita ni Alden ang blessing.

“Yung sa mga staff ko, sinigurado ko talaga na they get paid, kahit na anong mangyari. At yun ang blessing kasi, magugulat ka na lang, ang dami mo nang naibigay, pero may natitira pa rin. I guess, that’s the beauty of helping.

“Kapag galing talaga sa puso mo ang naibibigay ko, hindi mo iniisip ang kapalit, hindi mo iniisip kung may matitira man o wala, thankful ka lang.”

Kaya hindi na rin kami nagugulat na halos sold-out na nga raw ang concert para sa Alden’s Reality Virtual concert na magaganap sa December 8 for his 10th anniversary in showbiz.

Grabe rin yung balik kay Alden ng mga ginagawa niya.

The post Andrea mas gumanda nang mahiwalay kay Derek first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *