Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapan

Sa trailer pa lang ay masasabi mo na agad na isang mapangahas na teleserye ang “The Better Woman” nina Andrea Torres at Derek Ramsay. Kasi naman, puro laplapan agad ang napanood namin sa teaser nito.

The post Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapan appeared first on Abante News Online.

andrea derek mapangahas ang lingkisan laplapan - Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapan
derek 1 - Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapan

abante talbog joe barrameda 336x224 - Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapanSa trailer pa lang ay masasabi mo na agad na isang mapangahas na teleserye ang “The Better Woman” nina Andrea Torres at Derek Ramsay. Kasi naman, puro laplapan agad ang napanood namin sa teaser nito.

Parang ngayon lang yata kami makakapanood ng ganitong klaseng teleserye sa primetime, huh. Buong ningning at walang takot na ginawa nina Derek at Andrea ang mga mapa­ngahas na eksena, na sa tingin ko ay naglingkisan talaga ang kanilang mga dila.

At kung totoo ang sinasabi nila ay mas daring pa raw ang mapapanood nila sa mga susunod na kabanata.

Kung ti­tingnan mo nga ay parang may relasyon na ang dalawa sa tunay na buhay dahil sa mga sexy scene nila, pero ayon kay Derek ay after ng mga eksena at kapag sinabing ‘cut’ ng direktor ay kanya-kanya silang bumabalik sa mga tent nila na parang walang nangyari. Ganyan sila ka-professional, na trabaho lang talaga.

Mapapanood naman ito simula sa Lunes, July 1, after “Sahaya.”

Camille super sad: Suzi Entrata tsugi na sa ‘Mars’

Hindi sukat akalain ni Camille Pratts na ang show nilang “Mars” ay mapapanood na sa GMA-7 mula sa GMA News TV. Kaya sobrang saya niya dahil mas marami na nga ang makakapanood sa kanila.

Pero, nalungkot naman siya nang malaman na hindi na niya makakasama si Suzi Entrata-Abrera, kundi si Iya Villania na. Pero naiintindihan naman daw niya ang valid reason kung bakit nawala si Suzi. Nasa “Unang Hirit” kasi si Suzi na isa ring morning show. Hindi na raw pinapili si Suzi between “Unang Hirit” at “Mars Pa More” dahil matagal na rin si Suzi sa UH.

Inamin naman ni Iya na reluctant siya na tanggapin ang hosting job, kahit gustong- gusto niya ito, dahil kaibigan daw niya si Suzi, at ayaw niyang makaapak ng tao. Nag-usap daw sila ni Suzi, kaya maluwag sa puso naman daw na tinanggap ni Suzi na hindi na nga siya puwedeng mag-host ng “Mars Pa More.”

Nag-wish pa nga raw si Suzi na maging matagumpay ang first taping ni Iya sa “Mars Pa More.” At kinumusta pa ni Suzi ang taping niya matapos ito.

Going back kay Camille, manga­nganak na nga siya next week at hahalili muna sa kanya si Charice Solomon, habang naka-maternity leave siya.

Anyway, magsisimula na sa GMA ang “Mars Pa More” sa July. At bongga dahil si Alden Richards agad ang unang guest nila.

The post Andrea, Derek mapangahas ang lingkisan, laplapan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *