Andrea, Derek ‘di na maitago ang relasyon

Hindi na maitago ng mga “The Better Woman” stars na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ang kilig nila sa isa’t isa o better to say, kung ano man ang meron na namamagitan sa kanilang dalawa.

andrea derek di na maitago ang relasyon - Andrea, Derek ‘di na maitago ang relasyon
derekxandrea - Andrea, Derek ‘di na maitago ang relasyon

Rose Garcia Annyeong 5 336x224 - Andrea, Derek ‘di na maitago ang relasyonHindi na maitago ng mga “The Better Woman” stars na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ang kilig nila sa isa’t isa o better to say, kung ano man ang meron na namamagitan sa kanilang dalawa.

Bukod sa halos inseparable na ang mga ito na kung makaka-join talaga si Andrea sa mga personal na lakad ni Derek tulad ng paglalaro nito, visible na kasama ang una.

Naalala tuloy namin ‘yung obserbasyon ng isang kakilala namin na nandoon noong ginawa nila ang summer plug shoot ng GMA-7 na kahit first time pa lang nilang mag-work, e, parang may something na raw agad sa dalawa.

Hindi kami sure kung nasaan si Derek pero ang sigurado, hindi sila magkasama. So, obvious naman sa background na nag-grocery shopping si Andrea. Nag-post ito ng malaking bear at may caption na, “So tempted to get this giant #chinchin.”

Simula nang magkasama ang dalawa, never pa yatang hindi nag-like o nag-comment si Derek sa mga post ni Andrea. So, aside sa like, nag-comment ito ng, “Cute naman… yung na sa likod.”

Ang reply ni Andrea, tila hindi na makapagpigil at miss na miss na si Derek na, “Can’t wait to see you. I need na my hugs. 1 every hour you’re away,” at sinundan pa ng crying emoji.

Kinilig naman sa kanilang dalawa ang mga Instagram followers ni Andrea kaya ang tanong ni @asianbitch25, “Kayo na ba talaga????”

Sabi naman ni @dearddawnyy, “omg!!! nagkatuluyan sa totoong buhay! Love it!”

Well, kailangan pa ba silang paaminin bilang give-away na give-away na kung ano ang meron sa kanilang dalawa, huh!

Lovi special guest sa teleserye

Inaayos pa raw ng manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez ang magiging comeback serye niya sa Kapuso network.

May limang buwan din na nawala si Lovi. Nagpahinga, nag-recharge at nag-aral pa ng acting sa Los Angeles.

Kailangan daw niya ang five months break na ‘yun dahil feeling daw niya, fifteen pa lang siya ay nagtatrabaho na siya since then, everyday. So, she really needed to hit the recharge button.

Sinabay na rin ni Lovi ang pag-aaral pa ng acting. Pero instead na mag-join ng class, mas pinili niya ang one-one-one acting coaches. Marami raw siyang natutunan at kahit kilala na nga siya as “Primera Aktres”, marami pa raw siyang kailangang matutunan.

Grateful si Lovi sa mga pinagkakatiwalang project sa kanya ng network at gusto raw niyang suklian ito ng best niya.

Since inaayos pa nga ang pagbibidahan niyang serye, naging special guest si Lovi sa GMA Telebabad na “Beautiful Justice” kunsaan napanood na siya sa episode kagabi.

As herself ang role niya mismo, as in, as Lovi Poe na magkakaroon ng koneksyon sa mga karakter nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *