Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn

Na-award or nasermonan ng actress na si Jaclyn Jose ang anak na si Andi Eigenmann sa Instagram account nito.

The post Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn first appeared on Abante.

andi tinalakan ni jaclyn - Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn
Andi Eigenmann 1 - Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn

rose 5 300x156 - Andi ‘tinalakan’ ni JaclynNa-award or nasermonan ng actress na si Jaclyn Jose ang anak na si Andi Eigenmann sa Instagram account nito.

Nag-post kasi si Andi na malaki na ang tiyan at naka-two-piece pang-gym at nakaupo sa gym mat. Ipinaliwanag naman nito na very rare for her na magkaroon ng outdoor life at exercise gaya nga ng moment na ‘yun dahil sinabi na ni Andi na iba ang pregnancy niya ngayon.

Part of her caption, “This work- out was short but sweet but being surrounded by nature for the first time in a while contributed to increasing those endorphins. This was also my last sweat sesh before my tooth emergency (not the swollen half of my face). LOL can’t wait to get back into my prenatal work- out program next week.”

It turns out, kahit na buntis, nagkaroon ito ng dental emergency o surgery.

Mukhang hindi nagbasa ng mabuti ang ina ni Andi sa caption nito. Nagulat siguro nang makita ang picture ng anak na nagi-exercise. Kaya nag-react agad nang, “D ba no exercise sabi Dra? Kaka-surgery mo lang di ba? Makulit.”

Hindi nag-reply si Andi sa ina, pero ang netizen ang nagtama rito na sinabi naman daw ni Andi na “she said before surgery.”

Sa totoo lang, ang mag-inang Jaclyn at Andi, kung may makaiisip na gawan ng sitcom, docu, reality program ang dalawa, mukhang patok at aliw.

Janella, Markus secretly married?

Kahit na maingay naman na ang isyung buntis nga si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend na si Markus Patterson, wala pa rin direktang pag-amin mula sa mga ito at wala rin namang pagde-deny.

Nasa U.K. ang mga ito ngayon na kung totoo naman talagang buntis, walang duda na doon na manganganak. At sa Instagram post ng ina ni Janella na si Janine Desiderio, mukhang masaya naman ito ngayon sa kung ano man ang situwasyon ng anak. Mukha rin na very supportive.

Halatang proud din na nang mag-birthday siya sa U.K. at nag-share ng pictures, ang anak at si Markus ang punong-abala sa preparasyon. Kasama rin ang ama ni Markus.

Sey ni Janine, “Thank you very much for all the greetings & wishes! It truly was a memorable quarantine birthday for me here in the UK! Special thanks to @superjanella & @markusfor the cake & for cooking this special surprise dinner for me of lobsters, fusilli in fresh mushroom sauce & chilli prawn tomato spaghetti! Done with the help of their look-out, Russel 1f61d - Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn And to Mr. P, for his special homemade Cherry Gin. My heart is full 2764 - Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn God is good all the time.”

Kasunod ang hashtag na familyislove.

Natutuwa naman ang mga netizen na makitang okay kay Janine si Markus at okay na rin ang relasyon ng mag-ina ngayon.

Pero, ang tanong, secretly married na kaya sina Janella at Markus, kaya ‘family is love’ na ang hashtag ni Janine?

The post Andi ‘tinalakan’ ni Jaclyn first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *