Andi nanganak na

Habang abala ang marami sa Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto love triangle, good news naman ang pagsilang ni Andi Eigenmann sa baby girl nila ng boyfriend niyang professional surfer na si Philmar Alipayo.

The post Andi nanganak na appeared first on Abante News Online.

andi nanganak na - Andi nanganak na
ABANTE andi 2 - Andi nanganak na

Habang abala ang marami sa Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto love triangle, good news naman ang pagsilang ni Andi Eigenmann sa baby girl nila ng boyfriend niyang professional surfer na si Philmar Alipayo.

Nagsilang si Andi noong nakaraang July 24. Pinost sa Instagram story ni Andi ang announcement ng kanyang pagiging ina for the second time.

Kita sa mga IG story na super smile si Andi habang bitbit ni Philmar ang baby girl nila.

Ito ang second daughter ni Andi. Ang kanyang panganay na si Ellie ay anak nito kay Jake Ejercito. Pangatlong anak naman ito ni Philmar na may dalawang anak na lalaki sa dating misis nito na isang French national.

Hindi nabanggit kunsaang ospital na­nganak si Andi. Hindi pala natuloy ang wish nito na ma-experience ang water birth sa kanilang bahay ang baby nila ni Philmar.

Sure kami na masayang-masaya ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose dahil may panibago na naman siyang apo na aalagaan.

Nasabi na noon ni Jaclyn na malaki ang naging pagbabago ni Andi noong makarelasyon nito si Philmar. Mas naging masaya raw ito sa kanyang buhay.
Pabor din si Jaclyn sa desisyon nina Andi at Philmar na huwag munang magpakasal dahil marami pa silang kaila­ngang asikasuhin sa buhay nila. (Ruel Mendoza)

The post Andi nanganak na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *