Anak nina Alfred, Snooky ligtas na sa sakit

Mabuti na lang at tapos na ang “Sahaya” primetime series kung saan kasama si Snooky Serna, kaya tutok siya ngayon sa bunsong anak na si Sachi Go na may sakit.

anak nina alfred snooky ligtas na sa sakit - Anak nina Alfred, Snooky ligtas na sa sakit
snooky2 - Anak nina Alfred, Snooky ligtas na sa sakit

Jun Lalin Anything Goes 6 336x224 - Anak nina Alfred, Snooky ligtas na sa sakitMabuti na lang at tapos na ang “Sahaya” primetime series kung saan kasama si Snooky Serna, kaya tutok siya ngayon sa bunsong anak na si Sachi Go na may sakit.

Post ni Snooky sa kanyang Facebook account noong Friday night, “Please pray with me dear friends and family, for the complete and speedy recovery of my bunso, Sachi Go.

“As she has been diagnosed with pnuemonia.

“I thank you from the bottom of my heart. May God bless you.”
Kahapon nga, tinawagan ko si Snooky para mangumusta sa kalagayan ng kanyang anak.

“Medyo ok na si Sachi, sana nga magtuloy-tuloy na ang paggaling niya. I’m always praying,” sabi ng aktres.

Tutok nga raw siya sa anak. Mabuti nga raw talaga at tapos na siya sa taping ng “Sahaya”.

Sa ngayon, hinihintay na ni Snooky ang showing ng dalawa niyang pelikula, ‘yung “Black Lipstick” at “In The Name Of The Mother”.

Siyempre, maghihintay na rin daw siya ng next teleserye niya sa GMA-7 kung saan ay ilang years na rin naman siyang loyal.

Nagkasakit din ang bunso nina Representative Alfred Vargas at Yasmine Espiritu-Vargas, si Cristiano.

Kahapon, kinumusta ko ang misis ni Alfred kung kumusta na ang kanilang bunso at kung nakalabas na ba ito sa hospital?

“Yes, since Thursday. May sipon and cough pa din but he’s ok na. 3 days kami sa hospital baby and ate.

“Flu nahawa siya sa ate niya but suka nang suka kaya na-admit sa hospital.
“Behaved naman siya habang naka-confine. Ang bait na bata talaga,” sabi ni Yasmine.

Naku, uso talaga ang sakit ngayon, ako nga, palaging masama ang pakiramdam, kaya panay ang vitamin C ko at lots of water, pati citrus fruits, dahil ang hirap magkasakit, huh!

Kapuso, Kapamilya magsasama-sama para sa MarNigo

Nag-iimbita ang mga taga-Spring Films para sa celebrity screening ng “I’m Ellenya L” launching movie ni Maris Racal at katambal ang ex-boyfriend na si Iñigo Pascual.

Sa Tuesday magaganap ‘yon sa SM Megamall at very proud silang i-announce. More than 100 celebrities (big stars) from ABS-CBN at GMA-7 ang nag-confirm na raw na darating doon.

Wow, ang bongga at star-studded, huh! For sure, hindi mawawala roon si Piolo Pascual.

Ang “I’m Ellenya L” nga pala ay co-produced and directed by Boy2 Quizon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *