Anak ni Bistek natakot kay Nadine

Pag-aartista ang gusto talagang gawin ni Race Matias, bunsong anak ng dating Quezon City Ma­yor Herbert Bautista at Eloisa Matias. Pero sinunod muna niya ang payo ng mga magulang na mag-aral muna kaya tinapos niya ang filmma­king at scriptwriting sa New York City at one year acting sa Los Angeles, California. Bahagi si Race ng Viva movie na “Indak” kung saan isa siya sa mga Indak […]

The post Anak ni Bistek natakot kay Nadine appeared first on Abante News Online.

anak ni bistek natakot kay nadine - Anak ni Bistek natakot kay Nadine
ABANTE race - Anak ni Bistek natakot kay Nadine

abante i know better jun nardo 336x224 - Anak ni Bistek natakot kay NadinePag-aartista ang gusto talagang gawin ni Race Matias, bunsong anak ng dating Quezon City Ma­yor Herbert Bautista at Eloisa Matias. Pero sinunod muna niya ang payo ng mga magulang na mag-aral muna kaya tinapos niya ang filmma­king at scriptwriting sa New York City at one year acting sa Los Angeles, California.

Bahagi si Race ng Viva movie na “Indak” kung saan isa siya sa mga Indak Pilipinas crew. Habang nasa La Salle, member siya ng Air Force dance group ng eskuwelahan kaya nagamit niya sa movie ang kaalaman sa pagsasayaw.

Eh kumusta namang katrabaho si Nadine Lustre na lead actress ng dance film?

“Well, she’s great! She’s lovely, lovely person sa work. We hang out.
“Of course, at first, medyo nai-intimidate ako sa kanya. I mean, Nadine Lustre. You go to any streets in the Philippines, mukha niya ang makikita mo.

“Siyempre, sa first day sa set, I’m just across the table with her, working on the same thing, natakot ako. ‘My God! Ha! Ha! Ha! Ang dami kong kaibigan na sobrang hangang-ha­nga sa‘yo!’

“Sobrang nakaka-humble siya. You know, she’s just a role model. She takes her craft with 100 percent dedication. She goes beyond what is required for her. Being in a film with her, you can’t help but admire her,” pahayag ni Race sa mediacon ng movie.

Akala nga ng binata eh mataray si Nadine.

“I’m not gonna lie. At first, I was scared of her! As the production went on and I got to know the crew better, it made me rea­lized na wow, I was stupid to assume a person this humble and selfless would be mataray,” paliwanag ni Race.

Ano ang reaksyon ng parents niya nga­yong pinasok na niya ang showbiz?
“They’re very excited. Parang medyo alam naman nila na I’ve wanted to be an actor. Now na tapos na ako and all that and working on this new journey, they’re very supportive,” tugon ni Race.

Samantala, ‘yung ginawang thesis film ni Race na “Like Father, Like Son” ay nanalo ng Gold Award para sa Best Short Film nu’ng November sa NYC Indie Film Awards.

Nora, Boyet, Pip movie wala nang pag-asa

Kasado na ang mu­ling pagsasama nina Nora Aunor at Phillip Salvador sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na ididirek ni Joel Lamangan at balak isali ng Hea­vens Best Entertainment Productions sa MMFF.

Bale ito ang ika-apat na pagsasama nina Nora at Phillip sa big screen. Una nilang ginawa ang classic Lino Brocka film na “Bona” at sinundan ng movies na “Nakaw na Pag-ibig” at “Tinik sa Dibdib.”

Sa post ng line producer na si Dennis Evangelista, komento ng isa niyang follower, wala na talagang pag-asa na magkaroon ng reunion movie sina Nora, Tirso Cruz III at Christopher de Leon.

Sagot niya, move on na lang dahil bigatin din ang makakasamang cast ng dala­wang bida sa family drama.

The post Anak ni Bistek natakot kay Nadine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *