Anak ng dating aktor beauty queen sa USA

Alam mo, Dondon, pamilyar sa akin ‘yung Marilee Salazar na kinoronahan noong Sunday sa Alex Theater sa Glendale, California bilang Miss Philippines USA 2019.

The post Anak ng dating aktor beauty queen sa USA appeared first on Abante News Online.

anak ng dating aktor beauty queen sa usa - Anak ng dating aktor beauty queen sa USA
aktor 2 - Anak ng dating aktor beauty queen sa USA

abante anything goes jun lalin 336x224 - Anak ng dating aktor beauty queen sa USAAlam mo, Dondon, pamilyar sa akin ‘yung Marilee Salazar na kinoronahan noong Sunday sa Alex Theater sa Glendale, California bilang Miss Philippines USA 2019.

Beautiful si Marilee at puwedeng mag-artista.

Nang pinagtanong-tanong ko kung sino si Marilee, anak pala siya ng dating dancer/actor na si Lee Robin Salazar.

Dating member ng Maneouvers si Lee Robi­n at nag-artista at kung matatandaan ay matagal ding naging boyfriend ni Rachel Alejandro.

Kahapon, tinext ko si Lee Robin para sa tagum-pay ng kanyang anak para sa nasabing beauty p­ageant. Nasa Alex Theater din pala siya, kaya sayang daw at hindi kami nagkita.

“Grabe! What an amazing moment,” sey ni Lee Robin tungkol sa pagkapanalo ng kanyang anak.

Abala nga pala si Lee Robin ngayon sa pagko-co-host sa Adobo Nation ng TFC (The Filipino Channel) kung saan ay host din ang dating Star Patrol reporter ng TV Patrol na si Ginger Conejero.

Mga paa ni Ruffa nagpaltos sa Las Vegas

Dahil hindi sila nakapag-bonding ng mga anak na sina Lorin at Venice sa Los Angeles, California, nag-decide si Ruffa Gutierrez na mag-extend nang three days.

Eh, si Lorin kasi, busy rin sa three-week special s­ummer course nito sa UCLA (pre-college course, pero lilinawin ko na Grade 11 pa lang siya pagbalik ng bansa at two more years siya sa school na pinapasukan bago mag-college), kaya lalabas pa lang silang mag-iina bukas.

Actually, si Venice ang mas nakaka-bonding ni Ruffa dahil bakasyon lang naman talaga ang ipinunta sa LA ng teenager.

Anyway, kahapon, panay ang reklamo ni Ruffa sa akin na hindi lang katawan ang masakit sa kanya dahil mga paa niya ay ang sakit-sakit sa kala- lakad sa Las Vegas, Nevada para sa boxing fight ni Manny Pacquiao against Keith Thurman.

May mga blister raw ang mga paa niya sa kalalakad. Kaya nang magha-nap kami ng salon sa may Beverly Hills area kahapon dahil magpapa-blower sila ni Venice, panay ang reklamo niya dahil ang layo pala ng dapat lakarin.

Sabi ko naman sa kanya, mas m­abuting maglakad siya dahil 10,000 ang recommended steps araw-araw.

“Oh, my gosh, naka-100,000 steps yata ako sa Las Vegas, kaya panay blisters ang mga paa ko. I walked in heels,” natatawang dialogue na lang ni Ruffa.

“Mas mabuti ‘yan, para mas pumayat ka,” sey ko na ikinatawa ko dahil para nga akong lumba-lumba sa laki, pero sinasabihan ko siya na maglakad para pumayat.
Hahaha!

The post Anak ng dating aktor beauty queen sa USA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *