Amy binawalang magsalita

Wala sa “It’s Showtime” si Amy Perez kahapon. At sakit nga siyempre ang dahilan. Dahil knowing Amy, habang kayang mag-work, magwu-work talaga, at magsasalita at magsasalita talaga.

amy binawalang magsalita - Amy binawalang magsalita
ABANTE amy - Amy binawalang magsalita

Wala sa “It’s Showtime” si Amy Perez kahapon. At sakit nga siyempre ang dahilan. Dahil knowing Amy, habang kayang mag-work, magwu-work talaga, at magsasalita at magsasalita talaga.

Ano nga ba ang sakit ni Amy?
“Bad acid reflux. Rest muna today. No talking muna today as per Doc. Tina,” sabi ni Amy.

“Wala po ako sa (Showtime) rest muna,” say pa niya.

Siyempre, nag-alala ang mga fan niya, at iginiit na kailangan niya ng matinding pahinga.

“Kaka-work hard mo ‘yan Tyang. Get well soon,” sabi ng isang fan.

“We all need to work hard for our family po. Ganu’n talaga,” sabi naman ni Amy.

At payo nga ni Gorgeous Amazing: “Take enough rest so you can do your best. If health fails no matter our mind says it doesn’t produce the best in what we do. That’s true Tyang. But we have to be our best version of ourselves in the work we do. It’s okay to rest instead of pushing yourself. God speed.”

Oo nga naman, kailangan din talaga ng pahinga ng katawan. Kung ang mga makina nga ay napapagod, katawan pa ba ng tao ang hindi? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *