Amber Heard pinasisipa sa ‘Aquaman 2’

Nakakalap na ng mahigit 1.5 milyong lagda ang isang petisyon para tanggalin si Amber Heard sa “Aquaman 2”.

The post Amber Heard pinasisipa sa ‘Aquaman 2’ first appeared on Abante.

amber heard pinasisipa sa aquaman 2 - Amber Heard pinasisipa sa ‘Aquaman 2’
mber - Amber Heard pinasisipa sa ‘Aquaman 2’

Nakakalap na ng mahigit 1.5 milyong lagda ang isang petisyon para tanggalin si Amber Heard sa “Aquaman 2”.

Sabi ng mga fan ni Johnny Depp, na nasa likod ng petisyon, na pakana ni Heard ang paninira sa career ng kanilang idolo.

Sa kabila iyon ng ruling ng judge na nagsabing maraming beses na sinaktan ni Depp ang kanyang dating misis.

Pero ayon sa petisyon, “Since Heard’s divorce from Johnny Depp, she has systematically crusaded to ruin Depp in Hollywood.”

Sinaad din sa petisyon ang paggawa ni Heard ng mga pekeng account ni Depp, bago nag-demand sa Warner Brothers at DC Entertainment na tanggalin ang aktres sa naturang pelikula.

Magugunitang natalo si Depp sa isinampang libel case laban sa publisher ng UK tabloid na The Sun na tumawag sa kanya na “wife beater” sa inilabas na article noong 2018.

Si Heard ang gumanap sa karakter na si Mera, asawa ni Aquaman at reyna ng Atlantis. (IS)

The post Amber Heard pinasisipa sa ‘Aquaman 2’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *