Amalia mabait pero nakakatakot kaaway

Naging close rin ako noon kay Nena aka Amalia Fuentes. Nangyari ito noong early 70s, high school pa ako sa Canlubang, Laguna.

amalia mabait pero nakakatakot kaaway - Amalia mabait pero nakakatakot kaaway
amalia - Amalia mabait pero nakakatakot kaaway

Joe Barrameda Talbog 10 336x224 - Amalia mabait pero nakakatakot kaawayNaging close rin ako noon kay Nena aka Amalia Fuentes. Nangyari ito noong early 70s, high school pa ako sa Canlubang, Laguna.

Noon tuwing lalabas ako sa school ay dumidiretso na ako sa shooting nina Amalia at Eddie Gutierrez (sa pelikulang nalimutan ko na ang title) at kasama pa noon ang bagong-bagong love team nina Vilma Santos at Edgar Mortiz under the direction of Maning Borlaza. Prodyus ‘yon ng AM Productions.

Kaya madalas ko ring makita roon ang guwapo at simpatikong si Cheng Muhlach na ama ni Aga Muhlach.

Inaabot na ako sa shooting nang madaling-araw at madalas ay doon ako nakatambay sa bahay na tinutuluyan ni Amalia, na guest house ni Mr. Jesus Miguel Yulo.

Habang naghihintay ng tawag sa set ay nakatunganga nga ako kay Amalia na nagkukuwento ng kung ano-ano hanggang tinanong ako kung gusto ko raw mag-artista.

Naloka naman ako at sabi ko ay aalagaan ko na lang si Liezl na musmos pa ng mga panahong iyon. Inabot yata sila ng isang buwan sa Canlubang at hanggang nasa Manila na siya ay madalas nakakarating ako sa bahay nila sa New Manila.

Tuwing magkikita kami ay kinakamusta niya ang famous caterer ng Canlubang na si Aling Conching na lagi silang ipinagluluto ng sari-saring food, courtesy siyempre of the Yulos of Canlubang.

Noon pa man ay matipid na si Amalia sa mga gastusin. Kaya naman yumaman ‘yan nang bonggang-bongga.

Mabait si Amalia pero masamang kaaway. Natatandaan ko na ang matinding kaaway niya ay si Aling Miling Blas ng Lea Production. Harap-harapan noon kung laitin niya si Aling Miling. Pero napakabait niyan kung tutuusin at mahilig magkuwento.

Hanggang sa huli naming pagkikita ay natatandaan pa niya ako, bago siya magkasakit. Kaya nalungkot ako sa kanyang pagpanaw.

Rest In Peace, Nena…

Gary, Kevin, Ruru, Jeric marunong tumanaw ng utang na loob

Nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ka ng magagandang mensahe mula sa mga taong natulungan mo. Hindi man kami umaasa ng kapalit pero nakakatuwa na ina-appreciate nila ang pagtulong mo lalo na at mismong ako ang nagkukusang tumulong.

Ilang artista na nga ba ang natulungan ko. Alam nila ‘yan kung papaano ko sila sinuportahan kahit marami ang kumokontra. Kaya naman pinatunayan ko sa mga kumokontra na karapat-dapat silang tulungan at sa tulong na rin nila na sundin ang mga disiplina at gabay para matupad ang mga pangarap nilang inaasam-asam.

Nang mapalapit ako kay Gary Estrada ay kasikatan na niya noon. Ginamit ko lang ang mga connection ko noon gaya ng Norris Yamaha kung saan kinuha siyang endorser na ang ibinayad sa kanya ay nakabili ng 3.5 hectares na property sa Quezon Provinces. In fact, kulang pa rin ang pera niya noon at nag-extend ng kontrata ang Norris para mabayaran ‘yung kulang niya.

Nadala ko rin si Gary sa Japan nang ilang beses sa mga series of shows doon. Kalakasan pa ng Japan noon.

Si Kevin Santos na walang ka-project-project nang aming makilala at mula sa “StarStruck 2” na si Mike Tan ang nanalo. Kuwento nga ni Kevin noon ay kung papaano siya lait-laitin ng isang director ng isang weekly anthology. Kaya nu’ng nakabalik siya ay ipinakita niya sa direktor na ‘yun ang isang mahusay na aktor na ikinaloka niya.

Hanggang ngayon kahit mataba siya ay lumalabas pa rin sa “Daddy’s Gurl”. Bukod diyan ay nag-aaral sa isang unibersidad at tuloy ang pilot training. Ganyan kapursigido si Kevin na matupad ang pangarap niya.

Si Ruru Madrid naman ay magaling na ring umarte nang maging malapit sa akin. Guidance na lang ang tulong ko sa career niya, lalo na nang mawala si Direk Maryo J. delos Reyes.

Noon ay feeling nila ay wala silang boses sa Artist Center kaya madalas ako ang sumusugod. Wala naman naging problema at maayos lagi ang pag-uusap namin ni Boss Vic del Rosario ng GMA Artist Center na siyang nangangasiwa ng career ni Ruru.

Si Jeric Gonzales naman ay tinulungan ko na matupad ang ilang pangarap niya na makakuha ng mga endorsement sa iba’t ibang pangangailangan niya. At natupad naman lahat at kung noon ay nababansagan siyang ham actor ay iba na ngayon.

Sa mga nagdaang teleserye at guesting sa “Magpakailanman” ay puring-puri siya ng mga nakapanood at ibang Jeric Gonzales na raw ngayon ang napapanood nila.

Maski sa “Magkaagaw” ay mismong si Jeric ang excited at bago raw ang ginawa niya roon kumpara sa mga dating projects. Wish ko lang, ma-maintain ni Jeric ang kung ano man meron siya ngayon at mas doble ang effort na marating niya ang tagumpay na pinapangarap niya kahit mawala na ako sa mundong ating ginagalawan.

Although susubaybayan pa rin kita kahit nasa ibang lugar na ako. Talbog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *