Alyssa Valdez mahusay umarte, ayon kay Glaiza

Hindi nakaeksena ni Glaiza de Castro ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez sa pelikulang My Letters To Happy. Karamihan kasi ng eksena ni Alyssa ay kay TJ Trinidad.

The post Alyssa Valdez mahusay umarte, ayon kay Glaiza appeared first on Abante News Online.

alyssa valdez mahusay umarte ayon kay glaiza - Alyssa Valdez mahusay umarte, ayon kay Glaiza
valdez 5 - Alyssa Valdez mahusay umarte, ayon kay Glaiza

Hindi nakaeksena ni Glaiza de Castro ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez sa pelikulang My Letters To Happy. Karamihan kasi ng eksena ni Alyssa ay kay TJ Trinidad.

Pero ayon kay G­laiza, base sa mga nakita niyang eksena ni Alyssa, mahusay itong umarte.

Malaki ang potensiyal.

“Hindi kasi kami nagkaeksena pero sa workshop nakitaan ko naman siya ng potensyal. Oh di ba pa-judge? Pero kasi ang sarap din tingnan ng isang tao na raw. Na hindi pa siya filtered sa kahit na anong acting methods or techniques, di ba? So natural talaga siyang lalabas,” say ni Glaiza.

Pero bilib na bilib si Glaiza sa disiplina at professionalism ni Alyssa.
“‘Yung fact lang na nagpunta siya from the very start at humabol sa kanyang training para um-attend ng workshop namin 10 pm na ‘yun eh, ‘di ba? Kasi kumbaga kung raket lang ‘to or parang gusto niya lang ma-experience ito, hindi na niya seseryosohin.

“Alam ko busy rin siya na tao and siyem-pre priority niya ‘yung profession niya. But still she took time to meet us and to work with the other actors,” sambit pa ni Glaiza.

So, ano ang maipapayo niya kay Alyssa?
“The first thing I told her na parang ‘wag pairalin ang hiya kasi syempre first time niya eh, she had to come out of her shell pa. So after the first day, she’s getting comfortable na.”

The post Alyssa Valdez mahusay umarte, ayon kay Glaiza appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *