Alonzo pinadalhan ng bulaklak ni Greta

Mas matimbang ba talaga ang dugo sa tubig?

The post Alonzo pinadalhan ng bulaklak ni Greta appeared first on Abante News Online.

alonzo pinadalhan ng bulaklak ni greta - Alonzo pinadalhan ng bulaklak ni Greta
bea alonzo 1 - Alonzo pinadalhan ng bulaklak ni Greta

Mas matimbang ba talaga ang dugo sa tubig?

At applicable ba ‘yon sa mga Barretto?

Anyway, tinuloy-tuloy na nga ni Gretchen Barretto ang pagbibigay ng pagmamahal, suporta, sa ‘kapatid’ niya sa teleseryeng “Magkaribal”, si Bea Alonzo.

Isa nga si La Greta sa pinasalamatan ni Bea na nagpadala ng bulaklak sa kanya.

“Sending Love’ – Love, Ate Gretchen” ang mensahe sa card ng napakagandang bulaklak na ipinadala nga ni La Greta kay Bea.

At buong puso naman ang ipinakita ring pagpapasalamat ni Bea kay Gretchen.

Well, I’m sure naman, dedma lang ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto sa mga ikinikilos na ito ni Gretchen. Anyway, open book naman na matagal na silang hindi nagkikita nang mata sa mata, ‘di ba?

Medyo off lang talaga para sa ibang fan ang ganito, dahil involved nga rin kasi ang pamangkin ni Gretchen, pero ang pagmamahal at suporta niya ay ibinigay sa ‘karibal’ (????)

Haaaayyyy, ang saya-saya talaga ng showbiz, ‘di ba?

Imagine, noon pa pala ‘magkaribal’ na ang apelyidong Alonzo at Barretto, at sa teleserye nga ‘yon na “Magkaribal” noong 2010 na ipinalabas sa ABS-CBN.
Well… (Dondon Sermino)

The post Alonzo pinadalhan ng bulaklak ni Greta appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *