Alma Moreno sinariwa ang pagiging virgin

Aliw na aliw si Alma Moreno nang mapanood ang sarili niya sa pelikulang “Mga Bilanggong Birhen” na lumaban sa Metro Manila Film Festival noong 1977.

alma moreno sinariwa ang pagiging virgin - Alma Moreno sinariwa ang pagiging virgin
alma - Alma Moreno sinariwa ang pagiging virgin

Dondon Sermino Paistaran 13 336x224 - Alma Moreno sinariwa ang pagiging virginAliw na aliw si Alma Moreno nang mapanood ang sarili niya sa pelikulang “Mga Bilanggong Birhen” na lumaban sa Metro Manila Film Festival noong 1977.

Sikat na sikat si Ness dahil sa kanyang kagandahan at kaseksihan na kitang-kita sa pelikulang pinagtambalan nila ni Rez Cortez at pinrodyus ni Armida Siguion Reyna.

Batang-bata pa si Ness pero palaban sa mga seksing eksena sa pelikula. May eksenang kinidnap siya ng isang kulto at inalay siya nang hubo’t hubad sa kanilang poon.

Kaya’t noong tinawag siya pagkatapos ng screening sa Anonas 76 cinema noong isang gabi, ang nasabi ni Ness ay, “17 years old lang po ako sa movie na ito. Imagine, 17!”

“Sobrang ‘di ko alam ang pakiramdam ko ngayon na nakita ko ‘yung sarili ko. Virgin pa po ako n’yan!” naaliw at natatawang nasabi ni Ness.

“Mga Bilanggong Birhen” ang pinakabagong pelikula na sinagip ng ABS-CBN Film Restoration. Digitally restored na ito at mapapanood na ng mga millennial ang obrang pelikula na ito na lumaban sa mga bigating entries noong taon na iyon sa MIFF.

Nanalo ng Best in Art Direction at Best in Cinematography ang pelikula ni Ness. Dumalo rin sina Jobelle Salvador para sa kanyang yumaong tatay na si Leroy Salvador na kasama sa pelikula.

Nariyan rin si Bibeth Orteza, ang asawa ni Carlitos Siguion Reyna, para naman sa yumaong Armida na napakahusay sa pelikula. Believe it or not, palaban din si Tita Midz sa mga romantikong eksena nila ni Mario Montenegro.

Piniling i-restore ng ABS-CBN ang pelikula dahil sa magandang tema na tinalakay noong 1920s noong sakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, paliwanag ni Leo Katigbak na head ng film restoration project ng Kapamilya network.

Exciting ang mga eksena ng 1970’s na pelikulang humamon sa konsepto ng paggawa ng pelikula noong panahon na ‘yun.

Magsisimula ngayong October 4 hanggang 27 ang regular showing ng mga “Mga Bilanggong Birhen” exclusively sa Cinema 76 San Juan and Anonas branches kasama ang walo pang newly-restored films na “Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon?” “Minsa’y Isang Gamu-Gamo,” “Nunal sa Tubig,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” “Bata Bata Paano Ka Ginawa?,” “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin,” “Ang TV Movie: The Adarna Adventure,” at Saan Ka Man Naroroon”.

Romy Suzara tinapos ang mga sexy scene ng mga birhen

May kuwento pala kung bakit dalawa ang direktor ng pelikulang “Mga Bilanggong Birhen” ni Alma Moreno na pinrodyus ni Tita Armida Siguion Reyna.

Sina Mario O’ Hara at Romy Suzara ang nakasulat na directors ng pelikula na lumaban sa 1977 Metro Manila Film Festival, kung saan may kanya-kanyang entry ang mga bigating direktor ng bansa.

Pinalabas sa Anonas 76 cinema ang digitally-restored version ng “Birhen” at doon nakuwento ni Romy kung paano siya napasok sa project.

“Tinawagan ako ni Armida. Sabi sa akin, ‘papagawa ko sa ‘yo ang ‘Mga Bilanggong Birhen.’ Tinanggal na raw niya si Mario. At ako na ang gagawa. Nakakahiya kasi parang tinapakan mo ‘yung gawa ng ibang direktor,” kuwento ni Romy sa mga nanood ng screening na inorganisa ng ABS-CBN Film Restoration Group ni Leo Katigbak.

“Kinausap ko si Lino (Brocka). Hindi ko na kasi makausap si Mario. Pero personal na ang galit niya eh. Humingi din ako ng advice kay Marilou Diaz Abaya, sabi naman niya kung hindi ko gagawin ay may gagawa namang iba.”

“Tumawag si Romy Vitug (cinematographer) sa akin. Sabi niya sa akin, ‘nakausap ko na si Mario. Okay lang naman daw kung ikaw ang gagawa.’

“So, hayun, itinuloy ko na ang pelikula. Kaya ‘yung resulta, napanood niyo. Lahat ng lovemaking sa akin,” kuwento ni Romy at nagtawanan ang mga tao sa sinehan. “Nakakahinayang lang na wala na si Armida.”

Nagbalik-tanaw sina Romy, Leo, at Bibeth Orteza nang mapanood ang newly-digitally restored film na nanalo ng Best Cinematography (Romy Vitug) at Best Art Direction (Laida Lim Perez).

Noong taon na iyon ay may entries din sina Lino Brocka (“Inay”), Mike de Leon (“Kung Mangarap Ka’t Magising”), Ishmael Bernal (“Walang Katapusang Tag-araw”), Celso Ad Castillo (“Burlesk Queen”), Gil Portes (“Sa Piling ng mga Sugapa”), Eddie Romero (“Banta ng Kahapon”), Augusto Buenaventura (“Bakya Mo Neneng”), at Joey Gosiengfiao (“Babae…Ngayon at Kailanman”).

Kaya hindi dapat palagpasin ng mga batang moviegoer ang pagkakataon na mapanood ang isang pelikulang tulad ng “Mga Bilanggong Birhen” para malaman ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino noong dekada 70s.

Ang ganda-ganda ni Alma Moreno at pati si Tita Midz sa pelikulang ito. Proud na proud si Ness sa pelikula at sabi niya na sana isama ang isa pa niyang pelikulang “Laruang Apoy” sa mga isasailalim sa film restoration ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *