Alindog ni Bianca pinagpiyestahan

Marami ang nagre-react nu’ng mag-post si Bianca Umali in her most sexy photo na maski ang ibang kasamahang artista ay ‘di mapigilang mag-comment na nabighani sa kaseksihan ni Sahaya. Ano kaya ang nararamdaman ni Ruru Madrid na matagal na rin niyang karelasyon? Sinita kaya niya ito at hinahayaan na lang niya na pagpiyestahan ang kaseksihan ni Bianca?

alindog ni bianca pinagpiyestahan - Alindog ni Bianca pinagpiyestahan
bianca 7 - Alindog ni Bianca pinagpiyestahan

Joe Barrameda Talbog 17 336x224 - Alindog ni Bianca pinagpiyestahanMarami ang nagre-react nu’ng mag-post si Bianca Umali in her most sexy photo na maski ang ibang kasamahang artista ay ‘di mapigilang mag-comment na nabighani sa kaseksihan ni Sahaya. Ano kaya ang nararamdaman ni Ruru Madrid na matagal na rin niyang karelasyon? Sinita kaya niya ito at hinahayaan na lang niya na pagpiyestahan ang kaseksihan ni Bianca?

Kahit matagal nang walang kaugnayan sina Bianca at Miguel Tanfelix ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang GMA sa kanilang tambalan. Pinagsama muli ang dalawa sa bagong episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” na umani ng napakataas na rating sa pilot episode pa lang. Kasama rin sa story si Migo Adecer na kasama rin nila sa “Sahaya” at nagkaroon din ng mga bagong supporter na feeling nila ay mas bagay sila.

Nabuhayan naman ang mga BiGuel fan sa bagong tambalan nu’ng dalawa na tatagal ang episode na iyon ng isang buwan. Maganda ang concept ng episode na ‘yun ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” na kamakailan lang ay nanalo sa 33rd PMPC Star Awards For TV. Kaya sobra ang tuwa ng mga taong may kinalaman sa programa lalo na si Direk Rico Gutierrez na laging nakangiti habang nasa paligid niya si Alessandra de Rossi.

Madrid mas bagay kay Jasmine

Meanwhile, abalang-abala naman si Ruru sa pag-iikot pare mag-promote ng “Cara X Jagger” na pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith under APT Entertainment. In fairness, mas bagay sila ni Jasmine kumpara kay Bianca, huh! Mas may chemistry sila.

Nakakatuwa at maganda ang relasyon nila ni Ruru bilang magkatambal sa pelikula. Kung wala lang boyfriend itong si Cara aka Jasmine ay malamang nagkatuluyan na sila ni Ruru.

Nagtatampo lang kami kung bakit hanggang ngayon ay wala pang naka-line up na project si Ruru at napakatagal na ang huli niyang ginawa, at sa GMA News and Public Affairs pa ‘yun.

Kunsabagay, hindi naman nagrereklamo si Ruru at abala naman siya sa paggawa ng pelikula at may mga gagawin pa ulit siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *