Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktima

Ang init-init ng kaseksihan ni Barbie Imperial sa muli nyang pagpapasilip ng kanyang bikini photo. Nakatagilid sa larawan si Barbie habang nakaupo sa sahig.

The post Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktima first appeared on Abante.

alindog ni barbie pang alis lungkot ng mga biktima - Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktima
abante barbie imperial - Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktima

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 300x180 - Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktimaAng init-init ng kaseksihan ni Barbie Imperial sa muli nyang pagpapasilip ng kanyang bikini photo. Nakatagilid sa larawan si Barbie habang nakaupo sa sahig.

Lantad ang nakapaglalaway na hubog ng katawan nito at ang malasutlang kutis na mamula-mula dulot ng sunburn.

Walang dudang nakakapagpainit ng dugo ang kaseksihan ng dalaga sa larawan niyang ‘yon, dagdag pang napakaganda at napakaamo ng kanyang donselyang mukha.

Ang mga ganitong mga post sa socmed ay nakakaalis pansamantala ng lungkot at problema ng mga nasalanta ng kalamidad.

Coco, Raymart maalaga sa ibon

Masaya sa kani-kanilang mga ibon ang grupo ng mga male star ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina Coco Martin, Michael de Mesa, Raymart Santiago at John Prats.

Yan ang vibes na makikita sa photo ng apat sa Instagram ni Raymart habang hawak-hawak nila ang kanilang mga ibon. Ang pag-aalaga, pagpapalipad ng mga ibon ito tuwing break sa taping ang past time ng grupo.

Nakaposte rin ang video na tini-train nila ang kanilang mga ibon. Nakabuo na rin sila ng pangalan ng grupo nila, ang “Birdmen Manila.”

Rachel Peters ‘nagpalugaw’ sa CamSur

Nahihilig sa ‘pagpapalugaw’ sa mga naapektuhan ng bagyo ang mga beauty queen. Matapos magpalugaw si Michele Gumabao sa mga taga-Marikina na nasa evacuation center dahil sa bagyong Ulysses, si Rachel Peters naman ang nagpakain ng lugaw sa ilang mga residente, mga bata sa Camarines Sur.

Nakaposte sa Instagram ni Miss Universe Philippines 2017 ang pagdi-distribute ng mga lugaw sa tatlong evacuation center sa Bato, CamSur.

Aktor nalantad kabadingan sa pagtili

Dahil sa pagkain, napapansin ng mga netizen ang unti-unting pagbigay ng isang dating matinee-idol. Sa isang sponsored at ipinadalang pagkain sa kanya, napatili na animo’y babae ang aktor sa naramdamang kasiyahan at pagkakasorpresa niya sa nakitang putahe.

Espesyal kasi at mamahalin ang pagkain kaya siya napatili. Masarap din ang pagkakaluto nito kaya umapaw na parang dam ang kanyang kaligayahan.

Nakaligtaan ng aktor na may mga nagdududa sa kanyang kasarian.

Ang pagkakatili niya ay makakagdag ng pagdududa na siya ay bading.

Kapansin-pansin din ang paglamya ng boses niya habang nagsasalita patungkol sa ipinadalang food sa kanya.

The post Alindog ni Barbie pang-alis lungkot ng mga biktima first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *