Alice Dixson agresibo sa lampungan kay Aga

Sumakto ang lokasyon sa konsepto ng pelikulang “Nuuk”, na capital city rin ng bansang Greenland. Malamig, malungkot at mahiwaga tulad ng mga character na involved sa Veronica Velasco movie.

alice dixson agresibo sa lampungan kay aga - Alice Dixson agresibo sa lampungan kay Aga
alice x aga - Alice Dixson agresibo sa lampungan kay Aga

Jun Nardo I Know Better 33 336x224 - Alice Dixson agresibo sa lampungan kay AgaSumakto ang lokasyon sa konsepto ng pelikulang “Nuuk”, na capital city rin ng bansang Greenland. Malamig, malungkot at mahiwaga tulad ng mga character na involved sa Veronica Velasco movie.

Pag-iisipin ang manonood sa simula ng pelikula kaya naman dapat lang itong panoorin mula sa umpisa para malaman ang dahilan kung bakit nagkalapit ang mga bidang sina Aga Muhlach at Alice Dixson.

Magaling sa movie sina Aga at Alice pati na ang lumabas na anak ni Alice. Nagawa nilang isapuso ang kanilang characters.

Naiiba ito sa mga pelikulang usong-uso ngayon sa local films na romantic-comedy films. Pero may hatid din itong aral lalo na sa mga magulang na may anak na dumadaan sa depresyon.

Pero, bongga rin ang kemistri nina Alice at Aga, ha! At si Alice, agresibo sa halikan, lampungan kay Aga. Siya pa talaga ang pumatong sa mister ni Charlene Gonzales, ha!

Palakpakan ang manonood after ng screening nito sa premiere night last Monday sa SM Megamall. Isa nga pala si Aga sa producers ng movie.

Bistek gustong maging anak si Liza

Sinuportahan ng former Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kaibigang si Aga Muhlach sa premiere night ng Viva movie niyang “Nuuk”.

Hindi siya nakakawala sa press para matanong ng updates sa pagbabalik-pelikula para sa iWant TV. Kasama niya sa natapos na “Silly Red Shoes” ang dalawa sa bida sa “Kadenang Ginto”, sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

“Excited naman ako dahil na-break in, ‘di ba? Tagal na hindi nakagawa ng drama eh. Hindi siya comedy,” balita ni Herbert sa press.

Dagdag niya, “So ‘yung break in, drama! Aba, okay ito huh! Kaya nga break in ang tawag ko dahil nanibago ako! Ha! Ha! Ha!

“Okey naman. Komportable ako dahil very supportive ang director, ‘yung production,” saad pa ni Bistek.

May gagawin ding series si Herbert kasama si Liza Soberano para next year.

“Ewan ko kung tatay ako ni Liza! Hindi ko alam kung ina-adopt ko siya o in-adopt nila ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

“Malaking karangalan na maging tatay ni Liza. Sa hitsura ko ba namang ito! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Bistek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *