Alex todo flex sa singsing na bigay ni Mikee

Nakalutang pa rin sa ere ng kaligayahan si Alex Gonzaga matapos ang engagement proposal sa kanya ng dyowang si Councilor Mikee Morada. Ipinangalandakan ni Alex sa social media ang diamond engagement ring na bigay sa kanya ng fiancé.

alex todo flex sa singsing na bigay ni mikee - Alex todo flex sa singsing na bigay ni Mikee
alex 17 - Alex todo flex sa singsing na bigay ni Mikee

Nakalutang pa rin sa ere ng kaligayahan si Alex Gonzaga matapos ang engagement proposal sa kanya ng dyowang si Councilor Mikee Morada. Ipinangalandakan ni Alex sa social media ang diamond engagement ring na bigay sa kanya ng fiancé.

Naka-post sa Instagram ni Alex ang larawan na nakadikit ang kamay niya sa mukha niya at makikita ang malaking bato ng brilyante sa kanyang daliri. Sa caption, binanggit pa ni Alex ang Hollywood singer, performer na si Beyoncé at isang stanza sa awitin nitong “Single Ladies”.

“I’m still on high ‘coz Mikee put a ring on it!! Matutuwa si Queen Beyonce sa aking fiance!. Wearing chili nude lippy shade,” sey ni Alex. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *