Alex, Mikee pakakasal SA 2020

Bukod kina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay nakapanayam din namin ang charming boyfriend ni Alex na si Mikee Morada sa meeting de avance sa Lipa, Batangas. Tumatakbo ngang konsehal si Mikee sa lugar na `yon.

The post Alex, Mikee pakakasal SA 2020 appeared first on Abante News Online.

alex mikee pakakasal sa 2020 - Alex, Mikee pakakasal SA 2020
alex 5 - Alex, Mikee pakakasal SA 2020

Bukod kina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay nakapanayam din namin ang charming boyfriend ni Alex na si Mikee Morada sa meeting de avance sa Lipa, Batangas. Tumatakbo ngang konsehal si Mikee sa lugar na `yon.

Tinanong namin agad kung may pressure ba siyang nararamdaman sa nalalapit na eleksyon bilang first time niyang tumakbo, at ang sabi naman niya ay;
“Actually, to be honest, wala namang pressure, ine-enjoy ko lang everything kasi wala namang politician sa family namin so I’m very new to this, so I’m just enjoying moment, every moment, lahat ng house-to-house, the whole campaign, just enjoying and meeting new people, meeting every libeno,” sagot ni Mikee.

Nang tanungin din namin siya kung ano ang nag-udyok sa kanya upang tumakbo, sinabi niyang inimbitahan, aniya, siyang tumakbo ni Mayor Eric Africa.

Inimbitahan daw siya kung pwede ba siyang sumali sa kanilang slate o grupo, na sa una ay hindi raw siya agad sumang-ayon, pero matapos ang malalang dasalan at pag-iisip, hindi na raw siya naka-hindi, kaya pumayag na raw siya.

Sa ibang usapan naman, kinuwento ni Mikee na ang time lamang nila mag-usap ni Alex ngayon ay Facetime tuwing gabi matapos ang mahabang araw sa trabaho/kampanya, at kapag may oras siya kahit kaunti ay umuuwi raw siya para makita lamang si Alex at iuwi sa pamilya ni Alex.

Looking forward din daw si Mikee na magkaroon na sila ng oras together dahil malapit nang matapos ang eleksyon.

Pero heto, ha! Tinanong din namin si Mikee kung nagpaplano na ba sila ni Alex na ikasal at ang sagot niya ay “Ahhh…. Oo naman! Syempre! In God’s grace hopefully by next year!”

Bongga! Mukhang may aabangan na wedding of the year sa 2020! Kailan naman kaya ang proposal? Oops! baka na-spoil naman natin si Alex? (Athena Yap)

The post Alex, Mikee pakakasal SA 2020 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *