Alex Gonzaga gusto nang pakasal kay Mikee

Mukhang malapit na talaga sa katotohanang magsusuot na ng wedding gown si Alex Gonzaga, hindi para sa show, kundi para sa kasal nila ng nobyo na si Mikee Morada.

alex gonzaga gusto nang pakasal kay mikee - Alex Gonzaga gusto nang pakasal kay Mikee
alex 7 - Alex Gonzaga gusto nang pakasal kay Mikee

Mukhang malapit na talaga sa katotohanang magsusuot na ng wedding gown si Alex Gonzaga, hindi para sa show, kundi para sa kasal nila ng nobyo na si Mikee Morada.

Sa Instagram ng aktres, nagbahagi ito ng litrato kung saan rumampa siya sa show ng FDAP (Fashion Designers Association of the Philippines) habang nakasuot ng bonggang wedding gown.

Kuwento ni Alex, 5 taon nakalipas noong rumampa siya sa parehong kaganapan kung saan single pa siya noon, pero ngayong mayroon na siyang love life ay pakiramdam niyang practice na iyon bilang soon to be bride umano ni Mikee.

“The last time I walked as a bride in a show was 5 years ago and I was single. Now for my second time since Di na ako single, hindi nila alam na practice ko na lang ito hahahaha thank you Winford hotel x FDAP for having me in your bridal show!” sey ni Alex.

Maraming fan ang sobrang kilig sa naturang post ni Alex at hinihiling na maging totohanan na lang ang kanyang pagiging bride.

Well, maski nga ang kaibigan ni Alex na si Jessy Mendiola ay napa-comment ng “awww” sa sobrang cute ni Alex tingnan bilang bride. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *