Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDS

Bina-bash na naman si Alessandra de Rossi ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters) dahil sa naging tweet niya at comment sa hindi magandang message ng Pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte sa Bise-Presidente na si Leni Robredo.

The post Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDS first appeared on Abante.

alessandra walang atrasan sa giyera vs dds - Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDS
alessandra de rossi - Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDS

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 300x180 - Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDSBina-bash na naman si Alessandra de Rossi ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters) dahil sa naging tweet niya at comment sa hindi magandang message ng Pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte sa Bise-Presidente na si Leni Robredo.

Nag-react at tweet si Alessandra nang, “Magpasalamat ka na lang kaya? Contest pala ito. Di ako na inform.”

At saka rin niya sinundan ng quote ni Stanley Baldwin nang, “I would rather trust a woman’s instinct than a man’s reason.”

Binash si Alessandra at tinawag ng kung ano-ano ng ilang DDS tulad nang panay raw sawsaw nang sawsaw, putak nang putak, kuda nang kuda.

May nag-comment din sa kanya nang, “Sensya na ha…basta mga laos na hindi na ako gaanong updated…”

Sinagot ito ni Alex nang, “Laos shaming ka! I-troll shame kaya kita! Hindi mo pa ba reach ang quota at pati laos every minute mo tinu-tweet! Tulungan na nga kita. Ano gcash/bank account mo?”

Nag-comment din si Alessandra sa sinabi ng kapwa actress na si Elizabeth Oropesa, kilalang die hard Duterte supporter na nag-comment sa sinabi ni Arnel Ignacio na “bobo” ang mga artista.

Sabi ni Oro, kaya raw nasasabihang bobo ang mga artista, kasi raw ang bilis magsalita nang hindi nag-iisip. Bitaw lang ng bitaw.”

Sabi ni Alex sa tinuran na ito ni Oro, “ I love tita Oro and she’s right. Pero wala kaming spokesperson at tagagawa ng alibi. Imagine mo nalang kung meron tapos kung ano ano pa rin pinagsasabi namin. Nakakaloka yun?”

Tanya nag-Batangas, mga anak iyak nang iyak

Naka-lock in taping na ang cast at production ng GMA-7’s “Babawiin Ko Ang Lahat.” Sa Batangas ang shooting nila at walang choice si Tanya Garcia dahil nasimulan na nila itong i-shoot bago pa ang pandemic.

Isa si Tanya sa talagang takot sa COVID-19 at sa loob yata ng walong buwan, kailan lang niya sinubukan na pumunta sa mall dahil may kailangang-kailangan lang bilhin, if not, talagang nasa loob lang siya ng bahay.

Tatlo ang anak niyang mga bata at may bunso pa siya na two year old. Inaalala ng todo ni Tanya ang bunsong anak kung sakali at magla-lock in taping siya dahil napaka-clingy raw nito sa kanya. Feeling niya, iiyak ito ng iiyak at hahanapin siya, lalo na at hindi sanay na hindi siya kasama.

Pero iba ang nangyari, ang ikalawang anak niya ang mas affected at iyak nang iyak sa unang gabi pa lang na wala siya sa bahay.

Twenty days na naka-lock in taping si Tanya na magsisilbing comeback niya halos ang serye sa GMA-7. Kasama niya rin dito sina Carmina Villarroel at John Estrada. Balita namin, silang tatlo lang yata ang in-allow ng production na magkaroon ng plus one sa taping.

Valid naman daw ang mga rason ng tatlo katulad ni Tanya na ang make-up artist niya ang isinama at makakatulong din sa make-up artist ng serye dahil isa lang sa kanilang lahat.

Sagot din nilang tatlo ang pagpapa-swab test para sa mga ito.

Ang Babawiin Ko Ang Lahat ay pinagbibidahan nina Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa na bagong loveteam na ilulunsad ng network.

Andrea ‘di imbitado sa b-day ni Mrs. Ramsay

Sana nga ang pananahimik pa rin ngayon nina Derek Ramsay at Andrea Torres ay para ayusin pa ang kung ano mang nangyayari sa relasyon nila. Katulad ng mga tagahanga nila na umaasang sila na talaga ang magkakatuluyan, sana nga ay dumadaan lang sa matinding tampuhan o kung ano man ang dalawa.

Obvious na obvious naman na may isyu o problema sila, kung hindi man nga break na. Sa lahat ng nagba-bash kay Derek sa kanyang Instagram account, wala itong sinasagot na “okay kami” or anything. Isa si Derek sa nagkokorek agad ng basher o hater kapag may maling insinuation sa kanya.

Bukod dito, nag-post din si Derek ng IG story kunsaan, nag-celebrate ng birthday ang kanyang Mommy. Eh, in the past, napaka-close ng family ni Derek at family ni Andrea. Lalo na ang parents nila at present palagi ang bawat pamilya sa mga selebrasyon. But this time, wala ni anino ni Andrea at mga magulang niya.

In fact, ang huli pa nilang celebration sa mismong bahay ni Derek ay ang birthday naman ng mommy ni Andrea.

Sa isang banda, nagpasalamat naman si Derek sa netizen na kumpara sa halos majority yata ay binabato siya ng hate messages, halatang na-touch ang actor sa message nito na ipinagpi-pray siya at hindi raw deserve ng actor ang mga inhumane comments sa IG.

Nag-reply si Derek rito nang, “I appreciate this so much. Thank you.”

The post Alessandra walang atrasan sa giyera vs DDS first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *