Alessandra palaban: DDS sinermunan sa pagsamba kay Digong

Hindi pinalampas ni Alessandra de Rossi ang netizen na nag-comment sa kanya na nagsabi rito na tumulong na lang kesa mambatikos sa gobyerno.

The post Alessandra palaban: DDS sinermunan sa pagsamba kay Digong first appeared on Abante.

alessandra palaban dds sinermunan sa pagsamba kay digong - Alessandra palaban: DDS sinermunan sa pagsamba kay Digong
alessandra de rossi - Alessandra palaban: DDS sinermunan sa pagsamba kay Digong

Hindi pinalampas ni Alessandra de Rossi ang netizen na nag-comment sa kanya na nagsabi rito na tumulong na lang kesa mambatikos sa gobyerno.

Sey ng netizen, “Kung sincere kau sa mga naapektuhan tumulong ng hindi nambabatikos sa gobyerno, kasi kahit sinong presidente may mga sakuna talaga na mga pangyayari lalo na bagyo..natural calamities nga d ba!”

Sinagot ito ng actress na, “Hindi ito oras para kampihan ang trip mo. Wala akong sinabi about the govt. Sabi ko, ang lungkot ng mga balita. Walang kinalaman doon ang sinong pinaglalaban mo. Sa Pilipino ako nakatutok. hindi sa isang tao lang, kagaya mo. Pilipino muna. Bayan muna bago sarili mong trip.”

Ipinaalala rin niya na kasama sa 10 commandments o sampung utos ang huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa akin. Kaya tinawag niyang “idolatry.”

Ayon kay Alessandra na isa rin sa mga artistang hindi rin pinapalampas ang ilang mga bashe, hater, “Mas nalungkot tuloy ako na sa dami ng naghihirap at nakikidalamhati ka, idolatry pa rin ang inuuna ng iba. 2nd commandment, day.” (Rose Garcia)

The post Alessandra palaban: DDS sinermunan sa pagsamba kay Digong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *