Alessandra nai-excite na sa baby ni Assunta

Ilang beses na ring nakapagpa-COVID-19 swab test si Assunta de Rossi, kaya naman ang aktres ang tinanong ko kung paano ba ‘yon dahil plano ko ngang magpaganoon din bago bumalik ng Philippines.

The post Alessandra nai-excite na sa baby ni Assunta first appeared on Abante.

alessandra nai excite na sa baby ni assunta - Alessandra nai-excite na sa baby ni Assunta
abante derossi - Alessandra nai-excite na sa baby ni Assunta

Jun Lalin Anything Goes 12 300x200 - Alessandra nai-excite na sa baby ni AssuntaIlang beses na ring nakapagpa-COVID-19 swab test si Assunta de Rossi, kaya naman ang aktres ang tinanong ko kung paano ba ‘yon dahil plano ko ngang magpaganoon din bago bumalik ng Philippines.

Sabi ni Assunta, “Kapag pinasok sa ilong mo ‘yung pang-test, parang mahahatsing ka na hindi naman matutuloy. Hindi naman ako nasaktan. Sanayan na rin.”

Pero sabi nga ni Assunta, tama lang ang plano ko na magpa-swab test bago ako mag-fly back sa atin.

During our tsikahan, naikuwento ko nga pala sa aktres na marami ang naaaliw sa mga ipino-post nilang pictures ng sister niyang si Alessandra de Rossi sa kanilang social media accounts.

Lalo na si Alessandra, aliw ang mga caption niya sa pictures nila ni Assunta na parang “api” siya noong maliliit pa sila.

Pero of course, joke lang ‘yon ni Alessandra dahil ang sarap naman nilang magbiruan sa mga ganoong bagay.

“Oo nga, ‘kaaliw si Alex. Actually, nandito ako sa kanya ngayon. Dinalaw ko siya,” sey ni Assunta at narinig ko nga ang voice over ng kapatid niya na nagsabing, “Sino ‘yang kausap mo?”

Anyway, dinalaw ni Assunta si Alessandra noong Monday dahil holiday naman at walang traffic. So, siya mismo ang nag-drive?

“Oo, para naman makapaglakad-lakad ako kahit paano. Hindi puwedeng nakaupo o nakahiga lang ako palagi. Kailangan ding maglakad-lakad.

“Kailangang ma-exercise rin ako. ‘Di ba, palaging sumasakit ang katawan ko na walang ginagawa. Kaya dinalaw ko na lang si Alex.

“Mas ok pa rin naman na ako ang nagda-drive. Kaya ko pa rin naman.

“Saka kailangang ma-exercise talaga ako,” sey ni Assunta na malaki na talaga ang tiyan dahil last week of October or first week of November na manganganak.

Siyempre, si Alessandra ang sobrang excited sa nalalapit na panganganak ni Assunta. Silang magkapatid na lang kasi ang magkasama sa Philippines.

Gusto talaga ng nanay nilang si Nenita Schiavone na umuwi para masamahan si Assunta sa panganganak, pero hindi pa ra talaga sure ‘yon.

Concert produ sa US kawawa

May ilang US promoters ang hindi na muna umaasa na makakapag-mount kaagad sila ng concert. Talagang kailangan daw munang magkaroon ng vaccine sa COVID-19.

Pero may iba naman na nag-announce na ng new schedule ng ilang US shows na nabinbin dahil sa pandemic. Pero parang malabo pa nga ‘yon.

Ilang nakabili na ng tickets sa ilang shows dapat dito sa US ang nakatsikahan ko at waiting sila sa refund ng tickets na nabili nila.

Isang kilalang producer dito ang nakatsikahan ko noong isang araw at nagsabing problema rin siya pagdating sa pagre-refund ng tickets dahil ang ibang nagbenta ng tickets for her ay hindi pa naman naibigay sa kanya ang napagbentahan ng tickets.

Pero may ibang mga nakabili raw ng tickets na inaaway siya at para wala na lang daw problema ay nagre-refund na lang siya.

“Actually, ‘yung mga singer naman na committed sa amin, willing pa ring mag-concert, pero ang problema sa ngayon, ‘yung venues.

“Saka kung six feet social distancing, malulugi talaga kami, kaya ang hirap din talagang mag-produce na ng concert dito o kahit sana pa,” sey ng concert producer na nakatsikahan ko.

‘Kalungkot lang talaga, Dondon (my dear editor) na ang most affected talaga ay ‘yung mga concert dahil hindi pa talaga sila makapagplano kung kailan matutuloy talaga ang concerts nila na nabinbin dahil sa pandemic.

The post Alessandra nai-excite na sa baby ni Assunta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *