AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay Arjo

Habang marami na rin naman ang tila mulat na at tanggap ang totoong reyalidad ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, marami pa rin ang na-stuck sa loveteam.

The post AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay Arjo first appeared on Abante.

aldub nagwala maine isinumpa sa halikan kay arjo - AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay Arjo
atjo - AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay Arjo

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay ArjoHabang marami na rin naman ang tila mulat na at tanggap ang totoong reyalidad ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, marami pa rin ang na-stuck sa loveteam.

Evident ang katatapos na 30th birthday ni Arjo Atayde kunsaan, nag-post si Maine ng collage ng black and white picture nila ni Arjo na magkayakap at nagki-kiss sila.

Binasa namin ang mga comment ng netizen at marami naman ang masaya na sa dalawa. May mga nakukyutan din pero yun na nga, hindi pa rin nawawala ang ilang mga toxic fan. May iba silang paniniwala.

Ang paniniwala nila, edited ang mga picture. Kailan lang namin nalaman ang history o theory ng nagsasabing AlDub fan sila. Kasi raw pala, ang kapatid ni Maine na si Nicolette at may Mister na photographer. Na pati ang pagiging close na raw nito kay Arjo ay nabibigyan ng malisya. Na kesyo si Arjo raw ang naglakad kaya napasok sa work, huh. So, pakiramdam nila, ang mag-asawa ang nagi-edit ng mga picture nina Maine at Arjo para lumabas na sweet sila.

Nakakaloka.

‘Yung galit ng ibang fan daw, damay talaga ang kapatid na babae ni Maine. In fact, ito ang pinagbibintangan nila sa mga post ni Maine. Tinawag pa ng masamang salita ang kapatid ni Maine ng fan, grabe na.

At the height, sinusumpa pa ng iba ang kapatid at pamilya na ito ni Maine.

When all the while, akala namin ay tahimik na at kahit paano, gising na sa reyalidad ang ilang fan, hindi pa rin pala. May pandemic na at lahat, bakit hindi na lang kaya hayaan ng mga ito kung saan talaga masaya sa personal na buhay nila ang mga hinahangaang artista?

Eh, heto’t mukhang tahimik at masaya naman talaga sina Maine at Arjo sa relasyon nila. Habang si Alden din naman ay masaya sa personal niyang buhay at patuloy na umaarangkada ang career.

Sofia Pablo ‘di papatayin sa serye

Sinigurado ng director ng Primadonnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento.

Kaya matutuwa ang mga fan ng Primadonnas girls.

“Si Sofia, kasama pa sa umpisa. Kasi, meron pa kaming mga episode na before pandemic na hindi pa napapalabas and it’s something to watch for, yun ang highlight ng character ni Sofia, she was so good in her scene.

“And after that, hindi naman siya inalis sa istorya. Merong device ang mga creatives na ginawa. She will be talked about at makikita talaga sa mga eksena na kausap siya sa telepono. She’s always in the scene, her picture is always in the scene. Hindi namin siya pinatay. Kung yun ang iniisip ng mga tao,” esplika ni Direk Gina.

At dahil nakapag-lock-in taping na nga, simula sa Lunes, November 9, magsisimula nang mapanood ng mga masugid na tagasubaybay ng GMA Afternoon prime na ito ang mga fresh episodes ng serye.

Kasama rin dito sina Althea Ablan, Jillian Ward, Elijah Alejo, Aiko Melendez, Katrina Halili at Wendell Ramos.

The post AlDub nagwala: Maine isinumpa sa halikan kay Arjo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *