Alden, Yasmien, RiKen pambato ng GMA ngayong Setyembre

Alden, Yasmien, RiKen pambato ng GMA ngayong Setyembre

Pasabog ang mga bagong palabas ng GMA simula ngayong September, dahil puno ng drama, action, at kilig to the next level!

alden yasmien riken pambato ng gma ngayong setyembre - Alden, Yasmien, RiKen pambato ng GMA ngayong Setyembre
alden 15 - Alden, Yasmien, RiKen pambato ng GMA ngayong Setyembre

Pasabog ang mga bagong palabas ng GMA simula ngayong September, dahil puno ng drama, action, at kilig to the next level!

Pangungunahan nga ito ng ‘Beautiful Justice’ sa September 9. Sina Bea Binene (Kitkat), Gabbi Garcia (Brie) at Yasmien Kurdi (Alice) ang mga bida rito, kasama sina Derrick Monasterio, Gil ­Cuerva. Paano nga ba patutumbahin nina Gabbi, Bea, Yasmien ang mga kalaban nila?

Sa September 16 naman ay mapapanood na muli si Alden ­Richards sa The Gift, bilang si Sep, isang bulag na tindero sa Divisoria, na may kakayahang makita ang past at future. Mula ito sa direksyon ni LA Madridejos. Kasama rin sa The Gift sina Eliza­beth Oropesa, Mikee Quintos, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Thia Thoma­lla, Ysabel Ortega, Tetay, at Jean ­Garcia.

At siyempre, ina­abangan na rin ng mga fan ang pagsasamang muli nina Ken Chan at Rita Daniela, ang ‘One of the Baes’ na isang millennial fairytale. Ang GMA Public Affairs ang producer nito, na ang kuwento ay sesentro kina Jowalyn (Rita) at Grant (Ken).

At siyempre, hindi rin pakakabog ang Korean hit drama ‘Mr. Sunshine’ na tungkol naman sa isang batang lalaki na ipinanganak na mahirap, nagpunta ng Amerika. Mapapanood na ito ngayong­ gabi, at bida rito ang Hollywood actor na si Lee Byung Hun as Eugene Choi, na na-in love kay Go Ae-sin, played by Kim Tae-ri.

At heto pa, ngayong­ Setyembre 21 rin ang simula ng malupit na kantahan sa ‘The Clash’. Abangan ang banggaan ng ‘Top 64’ kasama sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang mga Clash Masters, at sina Lani Misalucha, Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas bilang mga hurado.

Sina Ken Chan at Rita Daniela ang mga The Clash Journey hosts. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *