Alden unang male cover sa Dubai mag

Pagkatapos nina Catriona Gray at Maymay Entrata, si Alden Richards naman ang cover ng Dubai Xpedition Magazine. Ang bongga nga nito, dahil mga sikat na modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo nga ang naiku-cover sa magazine na ito.

alden unang male cover sa dubai mag - Alden unang male cover sa Dubai mag
alden 26 - Alden unang male cover sa Dubai mag

Dondon Sermino Paistaran 50 336x224 - Alden unang male cover sa Dubai magPagkatapos nina Catriona Gray at Maymay Entrata, si Alden Richards naman ang cover ng Dubai Xpedition Magazine. Ang bongga nga nito, dahil mga sikat na modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo nga ang naiku-cover sa magazine na ito.

Sa simula nga ay ayaw pa nilang i-reveal kung sino ang gagawin nilang cover.

“Can’t wait for our surprise photoshoot and say HELLO to the most bankable male actor and superstar from the Philippines fresh from the biggest box office film of this year that we all LOVE, and can’t definitely say GOODBYE to our FIRST EVER MALE COVER for @xpeditionmagazine.”

At sa kasunod na IG post nila, bagama’t given na at nagmumura ang clue, ay ini-reveal na nga nila kung sino ito.

“‘THE ARRIVAL OF THE KING’

“Are you ready for the most ICONIC shoot with our first ever MALE COVER?!!! Asia’s Multimedia King @aldenrichards02 in a Royal-themed COUTURE shoot, set in an enchanting, floating diamond-lights Arabian backdrop — with Dubai’s producer to the stars @josh_yugen — CEO and Publisher of @xpeditionmagazine in @furneamato most recent Runway Collection. #YugenPR, #XpeditionMagazine,
#AldenRichards, #Couture, #XpeditionMiddleEast.”

Oh, ‘di ba? Ang bongga ni Alden, na ang mga sikat na artista sa Pilipinas na tulad nina Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil, at iba pa, ay kinabog niya.

Ka Tunying nanghinayang kay Kris Aquino

Hinayang na hinayang si Anthony Taberna aka Ka Tunying, dahil sa hindi naipalabas na show sana nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN noon. Kuwento ni Ka Tunying, gandang-ganda siya sa konsepto ng show nila, at katunayan, marami na raw silang nabangko, nakunan, at ang pagsasaere na lang ang hinihintay nila.

“May feature kami tungkol sa isang pamilya na 26 ang mga anak. Ang gandang kuwento noon. Pero, ‘yun nga, hindi na naipalabas,” sabi niya.

Siyempre, gusto pa ring makatrabaho ni Ka Tunying si Kris. At umaasam siya na balang araw ay mapanood pa rin ng mga tao ang nasimulan nilang show.

Anyway, last November 15 nga ay saksi kami sa pagbubukas ng bagong restoran ni Ka Tunying. Yes, hindi na nga lang puro tinapay ang tinda nila, dahil kahit ang mga favorite home-cooked meals at pambihirang classic dishes ay matitikman na rin sa kanila.

Ang bongga nga ng bagong logo, tagline nila, ang ‘Panlasang Makabayan’. At ang bongga ng re-launch nila na ginanap sa SM North The Block. At suportado nga nila ang proyekto ng Department of Tourism, na may pa-hashtag na #EatsmorefuninthePhilippines.

Dumalo nga sa event na ito nina Anthony and Rossel Taberna sina Tourism Secretary Berna Romulo Puyat, Philippines’ Crooner Richard Poon, DZMM and “Umagang Kay Ganda” host Tina Marasigan.

Pati na sina model and mommy vloggers Melissa Ricks and Helga Krapf, beauty queens Angelee Delos Reyes and MJ Lastimosa, comedians Long Mejia and Janus del Prado, “UKG” host Ariel Ureta, Pat and Roxy.

Nag-perform din sina Battle MC Rapido, Dance Sweetheart AC Bonifacio, “Eat Bulaga” Mr. Pogi Nico Nicolas, “It’s Showtime” BidaMan Jiro Custodio, MYX Vj Ai Dela Cruz and INC TV Deo and Bambi who gave the audience a treat with their amazing performances. Bisitahin ang kanilang website na katunyings.ph, or tawag na sa 8366-1342.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *