Alden ‘tsinugi’ rin sa socmed

Kaloka! Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas? Bakit parang tila nagkalat na ang mga demonyo sa social media?

alden tsinugi rin sa socmed - Alden ‘tsinugi’ rin sa socmed
abante alden richards - Alden ‘tsinugi’ rin sa socmed

Dondon Sermino Paistaran 1 1 300x200 - Alden ‘tsinugi’ rin sa socmedKaloka! Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas? Bakit parang tila nagkalat na ang mga demonyo sa social media?

Matapos ipakalat na ‘namatay’ si Ogie Alcasid, madaling araw ng Lunes ay si Alden Richards naman ang ginawan ng kuwento.

Heto nga ang mababasa sa Instagram account ng aldub_eb, na kung saan ay galit na galit silang pinost ang pakulo ng isang netizen sa Facebook.

“Breaking News: Alden Richards patay na! Matapos pagbabarilin sa mismong loob ng sasakyan habang hawak ang isang bata na anak ng kanyang pinsan. Kuhang-kuha sa CCTV ang ginawang pagpatay sa kanya. Mami-miss ka namin Alden. (sana mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay) Panoorin niyo po sa profile ko ang video. #Justice4Alden #RIP, #Respect”.

Wow, parehong-pareho ng istilo na ginamit kay Ogie Alcasid, ha! Na sa loob din ng sasakyan diumano ginanap ang patayan. At kasunod pa ang mensahe na panoorin sa profile niya.

Kaya talagang nagwala sa galit ang mga tagahanga ng Pambansang Bae.

“We will NOT tolerate false posts and false information!
“Please help report this post and this account.”

Agad namang tumalima ang mga fan ni Alden at binakbakan ang naturang fan, basher, troll sa ginawa sa idolo nila.

vsumulat_55: “Done reporting sa FB for posting inappropriate things like this. We love Alden that we just can’t tolerate evildoers like him. Karma ia real.”

teta0531: “Grabee sila mga walang magawa sa buhay nila lahat ata ng hndi nila gusto ay ginagawaan ng fake news after kay Ogie Alcasid si Alden naman hoy mga bashers at kurimaw try nyo mag-pray at humingi ng tawad kay God at tanggapin si Jesus Christ sa puso nyo para kpg dumating na yung judgement day ay mapapasama ka sa mga maliligtas.”

Gusto lang daw sumikat at magparami ng follower ng mga gan na gumagawa ng ganiyan, o grupo ng mga troll. Baka yan na lang ang naisip nilang paraan, na hindi nga nila mabili ang ibang fan page ng mga artista, di ba?

Iginigiit ng mga fan ni Alden na kastiguhin na agad kung sino man ang mga tao na nasa likod ng mga ganiyang balita.

Maymay bet nina Hero, Michael

Kahit medyo malayo ang agwat ng edad, tila kinikilig ang mga fan sa tuwing nagko-comment si Hero Angeles sa mga Instagram post ni Maymay Entrata.

Madalas nga kasing magbigay ng positibong mensahe si Hero sa mga IG post ni Maymay. Na kadalasan nga ay pinupuri nito ang ganda ni Maymay.

Kaya naman ang ibang fan, parang bet nila na ligawan ni Hero si Maymay, lalo na ngayong wala namang Edward Barber na umaali-aligid dito.

Anyway, si Hero ay 35 years old na, samantalang si Maymay ay 23 pa lang. Meaning, 12 years ang agwat ng edad nila, ha!

Pero, sabi nga, age doesn’t matter, pagdating sa love.

Pero, bukod kay Hero, ang isa pa na madalas na nagpaparinig ng saloobin, o kagustuhang makita muli si Maymay ay ang 3 times Winter Olympian (skater) na si Michael Martinez. Madalas nga niyang purihin ang ganda ni Maymay.

“Hopefully someday I get to see you again…” ang isa sa mensahe ni Michael kay Maymay.

Well, si Michael ay 23 years old din, ha!

Well, chika ng mga fan, bet nga nina Hero at Michael si Maymay? Abangan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *