Alden todo suporta sa ‘feelings’ nina Maine, Carlo

Buhay na buhay na naman ang diwa ng mga AlDubNation o fan ng tambalang Maine Mendoza at Alden Richards. ‘Yan ay dahil nag-post si Alden ng kanyang pag-promote o suporta sa pelikulang pinagbibidahan ni Maine kahit hindi na siya ang ka-partner niya rito.

alden todo suporta sa feelings nina maine carlo - Alden todo suporta sa ‘feelings’ nina Maine, Carlo
alden 24 - Alden todo suporta sa ‘feelings’ nina Maine, Carlo

Buhay na buhay na naman ang diwa ng mga AlDubNation o fan ng tambalang Maine Mendoza at Alden Richards. ‘Yan ay dahil nag-post si Alden ng kanyang pag-promote o suporta sa pelikulang pinagbibidahan ni Maine kahit hindi na siya ang ka-partner niya rito.

Well, sila naman talaga ang naunang maging mag-partner on screen at ngayon naman ay kapwa sila ay sumasabak kasama ang ibang katambalan. Si Alden ay nakasama si Kathryn Bernardo noong July sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” which is nakakuha ng pinakamalaking box-office gross sa bansa. Ngayon naman ay turn ni Maine kasama si Carlo Aquino sa pelikulang “Isa Pa, With Feelings”.

“Alam na this, pagkatapos ng trabaho at school derecho agad ng sinehan para sa #IsaPaWithFeelingsNowShowing congratulations ma’am @mainedcm,” sey ni Alden sa kanyang tweet.

Matatandaang todo suporta rin si Maine noong panahong si Alden at Kathryn ang bida sa mga sinehan para sa “HLG”.

Tuwang-tuwa ang mga fan na kahit hindi na sila ang magkasama sa pelikula at bihira na lang sila makitang magkasama on screen ay nananatili pa rin ang suporta at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Tinatanong naman ng marami kung kailan kaya babalik on screen together ang original love team na AlDub. Nasasabik na silang makita ulit na magkasama ang dalawa. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *