Alden tanggap na ang pagkabuwag ng AlDub

Ngayong araw na ito ang lipad ng Pambansang Bae na si Alden Richards papuntang New York para sa Kapuso show na “Studio 7 Musikalye goes to Brooklyn” on May 11 at The Kings Theatre, Brooklyn, New York.

The post Alden tanggap na ang pagkabuwag ng AlDub appeared first on Abante News Online.

alden tanggap na ang pagkabuwag ng aldub - Alden tanggap na ang pagkabuwag ng AlDub
alden 3 1 - Alden tanggap na ang pagkabuwag ng AlDub

Ngayong araw na ito ang lipad ng Pambansang Bae na si Alden Richards papuntang New York para sa Kapuso show na “Studio 7 Musikalye goes to Brooklyn” on May 11 at The Kings Theatre, Brooklyn, New York.

Nauna nang umalis ang ibang Kapuso stars tulad nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Ilang araw lang din si Alden sa New York at balik na rin ito ng Pili-pinas. Hindi namin sure kung tapos na tapos na ba ang shooting ng “Hello, Love, Goodbye” or may mga isu-shoot pa rin sila sa Pilipinas. Pero ang balita namin, posibleng July ang showing nito.

Isang araw bago lumipad si Alden, napansin namin sa Twitter na nagti-trending ito. Nag-number two at number three sa Philippines tren-ding ang #AnditoLangKamiAlden.

Binasa namin ang ilang tweet sa naturang hashtag at ilan sa nabasa namin, natutuwa ang mga fan na hindi raw sila iniiwan ni Alden. Na nararamdaman daw nila na kasama sila sa lahat ng ginagawa nito.

Tila na-appreciate nilang talaga nang mag-tweet at magpasalamat si Alden nang mag-announce ang Aldubnation na last tweet na nila. Since as we all know, sa ngayon ay malinaw na wala na ngang talaga ang AlDub.

Very open na rin si Maine Mendoza sa kanyang personal life, nakasama na rin ng mga tagahanga naman ni Yaya Dub si Arjo Atayde sa naging pa-birthday nila dito at nagpapasalamat si Maine sa mga ito na tuloy pa rin ang suporta sa kanya at tanggap ang desisyon niya, mapa-career o personal man.

While with Alden, kung pagbabasehan ang tweets sa hashtag na “Andito Lang Kami Alden”, ngayon pa lang ay ipinaparating na nila ang buong suporta nila sa Star Cinema movie nito with Kathryn Bernardo.

Isa sa nabasa naming tweet, “New paths, new horizons. And Alden includes us in all his successes. ‘Movie natin’, he says. And so in every endeavor, every win, every challenge – even in failures: perhaps you do not need remin ding, @aldenrichards02, but we’ll say it anyway @AnditoLangKamiAlden.”

Sa nangyari sa AlDub, walang duda na nagkasalaan talaga kung sino sa mga AlDub fans ang matimbang sa kanila – si Maine o si Alden ba.

Though for sure, may mga AlDub pa rin na nandiyan lang at hindi pa rin bumibitiw na isang araw, mabubuo o magkakasama nga sigurong muli ang dalawa.

Nadine inangkin na si Darna

Dahil sa YouTube video ni Donalyn Bartolome kunsaan kunwari ay inabot niya ang mahiwagang bato ni Darna at sisigaw naman si Nadine Lustre ng Darna, mukhang marami ang nakumbinse ni Nadine na bagay nga siyang gumanap na Darna.

Halatang nagulat si Nadine nang i-on-the-spot siya ni Donalyn at napasigaw ito nang, “No!” Kaso hindi ito tinantanan ng co-VIVA artist at sinabihan pa si Nadine na ‘wag daw nitong i-avoid, para raw talaga kay Nadine ang Darna.

Sabi na lang ni Nadine, “Okay, I’ll do it for you” nang natatawa.

In fairness, nang binasa namin ang mga comments na umabot ng mahigit sa 2,000 na sa mismong YouTube channel ni Donalyn, halos positibo ang reaksyon kay Nadine.

Comment ni @itsmeybs, “WOW. I’m not a fan of nadine, pero teh girl, Bagay sa yo, Good luck new Darna.”

Sabi naman ni @jhericmatildo, “This only proves that Nadine suits to be the next Darna.”

Si @Imee Loren Abonales naman, “At first I was like ‘Neeeh, Nadine for Darna? But after I watched this video, Myghaaad nafeel ko na bagay sa kanya!”

Bet na bet daw ni Donalyn na si Nadine ang maging Darna dahil para rito, bagay raw talaga ni Nadine. Sey nito, “Kahit hindi pa or in my opinion, dapat kanya ‘yun!”

Kung ilang showbiz peeps ang tatanungin, marami ang nagsasabing bagay si Nadine talaga as Darna. Pero, nagpa-audition at in-open na sa lahat ang role. Sa ngayon, wala pang ina-announce kung may napili na nga ba ang Star Cinema sa mga nag-audition para pumalit kay Liza Soberano.

The post Alden tanggap na ang pagkabuwag ng AlDub appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *