Alden sinusulot si Bianca kay Ruru?

Back to work na si Alden Richards matapos bumiyahe sa Holy Land Israel, kasama ang “Eat Bulaga” Dabarkads. Tatapusin muna ng Pambansang Bae ang prior commitments bago simulan ang movie with Kathryn Bernardo. Sa totoo lang, alam na lam ng fans ng Kapuso actor ang schedules niya, huh! Ayon sa kanila, magiging bahagi ang idolo nila sa special episode ng “Studio […]

The post Alden sinusulot si Bianca kay Ruru? appeared first on Abante News Online.

alden sinusulot si bianca kay ruru - Alden sinusulot si Bianca kay Ruru?
ABANTE alden 1 - Alden sinusulot si Bianca kay Ruru?

abante i know better jun nardo 336x224 - Alden sinusulot si Bianca kay Ruru?Back to work na si Alden Richards matapos bumiyahe sa Holy Land Israel, kasama ang “Eat Bulaga” Dabarkads.

Tatapusin muna ng Pambansang Bae ang prior commitments bago simulan ang movie with Kathryn Bernardo.

Sa totoo lang, alam na lam ng fans ng Kapuso actor ang schedules niya, huh! Ayon sa kanila, magiging bahagi ang idolo nila sa special episode ng “Studio 7” sa New York City.

Pero pinabulaa­nan nila ang tsismis na nagdi-date sina Alden at Bianca Umali, huh! Unang-una, ibang aktor ang alam kong dyowa ngayon ni Bianca, ha! Si Ruru Madrid nga ba, Joe Barrameda?

Naku, saan naman kaya nanggaling ang kuwentong ito? Imbento ng mga gustong sirain ang pagsasama sa movie nina Alden at Kathryn? Para may ibang mapag-usapan, ha!

At wala rin daw katotohanan ‘yung gues­ting niya sa “Sahaya,” huh!
Samantala, si Maine Mendoza naman eh dadalo sa Guil­lermo Mendoza Memorial Awards para tanggapin ang kanyang Box Office Queen Award.

Barbie naaliw sa paggiling ni Jak

Gumiling si Jak Roberto na ala-macho dancer sa harap ng girlfriend na si Barbie Forteza. Sampol niya ito sa role niyang macho dancer bilang si Dante Gulapa sa “Magpakailanman” ngayong gabi.

May sakit si Barbie nu’ng dumalaw si Jak at ‘yung video ng pagsayaw ng Kapuso actor eh, inilabas ng young actress sa Instagram kahapon.
Feeling audience naman si Barbie habang pinapanood ang mga pagbali ni Jak ng katawan at pagkembot.

Sa caption ni Barbie, “Salamat sa pagdalaw sa batang may sakit. Muntik guma­ling ang ubo ko sa sayaw mo….Great job, mahal ko.”
Pramis niya, panonoorin ang episode ng GMA weekly drama.

The post Alden sinusulot si Bianca kay Ruru? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *