Alden saludo sa maliliit na negosyante

Katulad ng ibang mga celebrity business owner, malaki rin ang epekto ng COVID-19 kay Alden Richards kaya naman talagang naka-relate siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na “Lockdown: Food Diaries.”

The post Alden saludo sa maliliit na negosyante first appeared on Abante.

alden saludo sa maliliit na negosyante - Alden saludo sa maliliit na negosyante
abante alden 2 - Alden saludo sa maliliit na negosyante

Katulad ng ibang mga celebrity business owner, malaki rin ang epekto ng COVID-19 kay Alden Richards kaya naman talagang naka-relate siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na “Lockdown: Food Diaries.”

Isang documentary special ang “Lockdown: Food Diaries” na mapapanuod ngayong Linggo (Sept. 27, 3:45 pm) sa GMA. Tampok dito ang epekto ng pandemic sa food sector.

Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine. Pero bukod dito, ipapakita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy upang kumita sa gitna ng pandemya.

“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon,” sabi ni Alden.

Ibabahagi rin ni Alden kung paano niya hinarap ang pandemic bilang isang business owner.

“Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling. Kasi para sa amin po, mas importante ‘yung tao, ‘yung staff more than income na nage-generate ng mga restaurants namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi din dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day,” saad niya. (Dondon Sermino)

The post Alden saludo sa maliliit na negosyante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *