Alden Richards type ang ex-dyowa ni Gerald Anderson

Lalong dumarami ang nanonood ng Hello, Love, Goodbye at kesehodang nag-uulan ay sumusugod ang mga fan sa mga sinehan, dahil na rin sa magandang feedback na natatanggap nila.

alden richards type ang ex dyowa ni gerald anderson - Alden Richards type ang ex-dyowa ni Gerald Anderson
Alden Richards1 - Alden Richards type ang ex-dyowa ni Gerald Anderson

abante talbog joe barrameda 336x224 - Alden Richards type ang ex-dyowa ni Gerald AndersonLalong dumarami ang nanonood ng Hello, Love, Goodbye at kesehodang nag-uulan ay sumusugod ang mga fan sa mga sinehan, dahil na rin sa magandang feedback na natatanggap nila.

Naka-P110 million plus na ang kinita ng pelikula sa ikatlong araw nito sa mga sinehan. Eh, nag-weekend pa at super pila pa rin ang mga fan, at
Sunod-sunod ang mga block s­creening.

Napakasuwerte ni Alden Richards sa una niyang pelikula sa Star Cinema na tumabo nang bonggang-bongga, at nangangamoy ng panibagong project. At balita ko ay si Bea Alonzo naman ang type niyang makasama sa project na ‘yon kung saka-sakali.

Natuwa si Alden na nag-attend si Bea sa premier night nila, at aware kasi siya na mahusay na aktres ang dalaga, na single nga ulit ngayon, dahil hiwalay na nga sila ni Gerald Anderson.

Puring-puri pa siya ng mga bossing ng Star Cinema. Kaya abangan ang bonus. Baka naman.

Jeric pinayuhan ang mga baguhan na ‘wag magyabang

Isa si Jeric Gonzales sa sumasailalim sa International acting coach na si Anthony Bova na every year ay pumupunta rito sa Pilipinas para sa mga workshop ng GMA for their homegrown artist.

Malaking bagay ito kay Jeric na isa na sa mga leading men ng GMA 7. Kung noon ay kung ano-anong role lang ang ibinibigay sa kanya ay iba na ngayon. Pang-leading man na siya ngayon.

Kaya natutuwa siya at malaking tulong ang mga workshops na ibinibigay sa kanya lalo na itong kay Anthony Bova.

Kaya payo ni Jeric sa mga baguhang artista ay maging humble at kailangan daw ay marunong makisama sa lahat ng tao.

Huwag ding maging mayabang dahil sa kasikatan at yun nga naman ang magpapabagsak sa kanila. At higit sa lahat dapat daw ay may takot sa Diyos.
Si Jeric kasi kahit naging winner sa Protégé’ ay humble at hindi namin nakitaan ng kayabangan. Simple lang siyang nagtatrabaho.

Sa ngayon ay naghahanda na si Jeric para sa upcoming teleserye niya with Klea Pineda at Sheryl Cruz. Tuloy-tuloy rin ang pagpapaganda niya ng katawan para sa bagong endorsement niya.

Jak Roberto may bagong kinababaliwan

Malayo na rin ang narating ni Jak Roberto after mamatay ni Kuya Germs na original mentor niya sa showbiz. Umamin si Jak na may trust issue siya noon sa mga kasamahang artista, at ayaw na ayaw niyang magkuwento ng mga tungkol sa personal niyang buhay.

Ngayon daw ay nawala na ‘yon, at nairi-release na raw niya ang mga itinatago niya at gumagaan daw ang pakiramdam niya.

Pinaghahandaan ni Jak ngayon ang balik-tambalan nila ng real life partner na si Barbie Forteza sa month long episode ng Wagas. Regular din si Jak sa Bubble Gang every Friday at may panahon pa siya mag- motorcycle na kinababaliwan niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *