Alden niratrat na naman ng mga KathNiel fan

Dahil lang sa throwback photo ni Alden Richards na kasama si Kathryn Bernardo na kuha mula sa shooting nila ng “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong, tila nagkaroon na naman ng giyera sa social media.

alden niratrat na naman ng mga kathniel fan - Alden niratrat na naman ng mga KathNiel fan
aldenxkathryn - Alden niratrat na naman ng mga KathNiel fan

Dahil lang sa throwback photo ni Alden Richards na kasama si Kathryn Bernardo na kuha mula sa shooting nila ng “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong, tila nagkaroon na naman ng giyera sa social media.

“Missing the street food in HK…pero mas masarap pa rin yung atin, di ba? #Throwback #HelloLoveGoodbye,” caption ni Alden.

Reaksyon ni elyhaig: “Hahaha! Not so long ago! ‘No picture, no video’ sabi ng mga ate.”

Sagot ni Alden: “@elyhaig pinapaalis tayo tapos nung bibili tayo ng madami biglang ok.”

At dito na nga pumasok ang ibang galit na galit na fan, na kesyo pera-pera lang, gamitan na naman, at kung ano-ano pang masasakit na akusasyon.

poorporcupine: “@aldenrichards02 sir ok npo sana, tahimik na at unti unti na bumabalik sa tahimik…gusto nyo bang ma-bash uli si Kath? Pwede nman po mag-throwback pic with the whole group n ksama nyo bumili ng mdami street foods.”

Pero hindi rin siyempre patatalo ang mga nagmamahal kay Alden.

shaneflkrsn02: “@lissaachu Hoy Tanga magkaibigan sina alden at kath pakialam mo kong mag post sya??? Di mo ba narinig sinabi ni kath lay alden na hanapan namin sya ng ka date para sa double date tas tawa si kath.. Buang ka Hintayin mong ipakilala ni alden yung ina eye nya sa public nang hindi ka mabuang dyan dahil lang isa kang SELOSANG FAN NG KN.”

Kaloka, ‘di ba? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *