Alden, Maine kinasal sa Rome?

Noon pa namin naririnig ang mga gawa-gawang kuwento ng ilang delusional fans. Wala ka naman sigurong matatawag na iba pang salita sa mga fan ng AlDub na sa kagustuhang masunod kung ano ang gusto nila, capable na mag-imbento ng kuwento.

The post Alden, Maine kinasal sa Rome? appeared first on Abante News Online.

alden maine kinasal sa rome - Alden, Maine kinasal sa Rome?
Abante maine alden - Alden, Maine kinasal sa Rome?

Ni Rose Garcia

Daddy Bae pumalag:

Noon pa namin naririnig ang mga gawa-gawang kuwento ng ilang delusional fans. Wala ka naman sigurong matatawag na iba pang salita sa mga fan ng AlDub na sa kagustuhang masunod kung ano ang gusto nila, capable na mag-imbento ng kuwento.

Aba e, kung tama kami sa pagkakatanda, before the end of 2018 pa yata ‘yung gawa-gawang kuwento na diumano’y kasal na, meron namang ikakasal daw ng January sina Alden Richards at Maine Mendoza at sa Rome pa raw ito.

Kaloka, ‘di ba?

Eh, ‘yun na, hindi pa rin pala tumitigil ang iba. Talagang mas gusto nilang paniwalaan ang imbentong kuwento o kathang-isip nila instead na mag-move on na.

Halos ipagsigawan na nga ni Maine ang relationship nila ni Arjo Atayde at si Alden naman ay focused sa career at negosyo niya. Kahit sa “Eat Bulaga”, hindi mo na rin mararamdaman talaga ang AlDub.

At para siguro magkaroon na ng closure sa “IlU” ng ilang fans, hindi na napigilan ng ama ni Alden na si Daddy Bae Richard Faulkerson na mag-tweet.

Sey niya, “This is the truth, Wala po ako manugang, walang apo, walang kasal na naganap. Please po. Stop it. Please. Thank you.”

Kung may mga delusional na fans, marami rin talaga ang nakakaunawa ng reyalidad at masasabing supportive sa kung sino talaga ang idol nila sa dalawa. Meron namang kahit wala na ang love team, supportive pa rin sa dalawa.

Isa sa nabasa naming comment ng fan sa tweet ng Daddy ni Alden, sey ni @_chreebee, “mas mabuti ng mabuhay tayo sa KATOTOHANAN khit masakit tanggapin bilang isang FAN kesa maging masaya tayo sa isang imbentong KASINUNGALINGAN…d ba? Tanggapin na natin na c @mainedcmay may BF na at c @aldenrichards02ay single pa. Tuloy lang ang buhay sa FANDOM na ito.”

The post Alden, Maine kinasal sa Rome? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *