Alden magpapasaya ng mga bulag

Kasado na ang Avel X Alden collaboration ng local designer na si Avel Bacudio at Alden Ri­chards.

The post Alden magpapasaya ng mga bulag appeared first on Abante News Online.

alden magpapasaya ng mga bulag - Alden magpapasaya ng mga bulag
ABANTE alden 4 - Alden magpapasaya ng mga bulag

abante i know better jun nardo 336x224 - Alden magpapasaya ng mga bulagKasado na ang Avel X Alden collaboration ng local designer na si Avel Bacudio at Alden Ri­chards.

“It’s a collaboration of Alden’s design and my execution. It’s very Alden. ‘Yung ginagamit ni Alden,” pahayag ni Avel nang makausap namin sa contract signing ng artist niyang si Jerome Ponce sa Regal Entertainment last Thursday.

Dinamitan ni Avel si Alden simula nang maging endorser siya ng isang local brand of clothing kung saan bahagi ng creative team ang magaling na designer.

“Doon kami naging close. Siguro mga se­ven years na. Hindi lang namin siya endorser, naging close friend ko siya,” saad niya.

Hindi ba mahirap damitan si Alden?

“No. Si Alden kasi, it’s okay kasi model size naman siya eh, so hindi kami nagkakaroon ng problema. ‘Pag sinabi niyang, ‘Pare, lumaki ako nang konti,’ ako na nag-a-adjust. Hindi na namin kailangang mag-fitting kasi kabisado ko na lahat ang katawan niya,” tugon niya.

Bilang bahagi ng kanilang collaboration, isang fashion show ang nakatakda nilang gawin.

“I’m going to spend my birthday with my advocacy and Alden in Baguio. Sa Northern Luzon School for the Blinds, ‘yung mga blind children. In (Aug.) 22, we are going to launch Avel X Alden. Then on 25, we are going to open the Pop Up store in Megaworld Lifestyle,” chika pa ni Avel.

Dedicated din sa fans ni Alden ang ilalabas na designs. Affordable din ang presyo.

Hindi pa ba nagbago si Alden simula nang makilala niya?

“The first time na na-meet ko si Alden, mas mabait siya ngayon. Hindi siya nagbago.

“We shoot in New York. Eh, malamig kaya gusto ko nang tapusin pero siya okay lang. Imadyinin mo, basa lahat ang paa namin kasi super baha! Ang lakas ng ulan, ang lamig pero wala kang maririnig sa kanya!

“We shoot in Brooklyn Bridge. Doon ko siya nakita na mabait talaga ang bata,” kuwento ni Avel sa tunay na ugali ni Alden.

Jerome may ibubuga sa akting

Exclusive na ang movie contract ni Jerome Ponce sa Regal Entertainment. Mula sa “Haunted Mansion” hanggang sa last movie niyang “Finding You”, nandoon pa rin ang tiwala kay Jerome ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde.

Palibhasa’y may ibubuga sa acting, “Para sa akin mas na­bigyan ako ng mas maraming chance. The more na panalo ka, the more na marami ka ring natalo.

“Pero nandiyan pa rin sila (Regal) dahil gusto ko rin namang matuto,” pahayag ni Jerome.

Mapapanood si Jerome sa upcoming Regal movie na “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.”

The post Alden magpapasaya ng mga bulag appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *