Alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye

Kinumpirma na ng Pambansang Bae na si Alden Richards na after na maipalabas ang pelikula niya sa Star Cinema katambal si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” ang paggawa na ng soap-opera sa GMA-7 ang aabangan sa kanya.

The post Alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye appeared first on Abante News Online.

alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye - Alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye
ABANTE alden 6 - Alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye

Ni: Rose Garcia

Kinumpirma na ng Pambansang Bae na si Alden Richards na after na maipalabas ang pelikula niya sa Star Cinema katambal si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” ang paggawa na ng soap-opera sa GMA-7 ang aabangan sa kanya.

Ang alam namin, nakapag-storycon na para sa bago niyang serye, pero hindi pa lang ito inilalabas talaga at wala pa rito ang focus dahil sa todo promotion din ng movie nila na showing sa July 31.

Pero base sa ilang impormasyon na nakarating sa amin, back to drama at tiyak na makakapagbigay-inspirasyon daw ang bagong serye na ito ni Alden.
Isa si Alden sa nanood ng premiere night ng Mic Test Entertainment at GMA Films’ movie na kasalukuyang palabas ngayon, ang “Family History”. Tulad ni Michael V, nagbigay rin ng mensahe si Alden sa mga Pinoy moviegoer na sana raw ay tangkilikin at panoorin ang magkasunod na Pinoy movies na palabas ngayong July.

Inamin ni Alden na pinanalangin pala niyang matupad ang “Hello, Love, Goodbye”. Kahit noong nagpunta sila ng “Eat Bulaga” sa Holy Land, isa raw ito sa naging prayer request niya.

Sey ni Alden, “It’s really a big opportunity for me. It’s an expansion as an actor to work beyond the walls po of my home network.
“At nakakatuwa rin po that GMA gave me the chance and pinayagan po nila ‘ko to work with Star Cinema and sobra po akong happy sa desisyon na ‘yun at sa permission na binigay nila sa akin.”

So far raw, base sa reaction ng mga bosses na napanood na ang buong movie na nabigyan naman ng graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ay masaya raw ang mga ito sa kinalabasan ng movie nila.

Ian Veneracion ipapalit kay Derek sa ‘(K)Ampon’

Heard na hindi lang pala si Ian Veneracion ang inalok din para maging leading man daw ni Kris Aquino sa “(K)Ampon”, ang isa sa apat na napiling official entry na para sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Ina-eye rin daw ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Nagkasama na rin dati sa isang MMFF movie sina Kris at Dingdong na isa rin sa mga considered box-office.

Eh, ewan lang, parang kung isa si Dingdong sa naiisip na gawing male lead ng “K(Ampon)”, parang malabo na magawa nito lalo pa at sinisimulan na niya ang bagong primetime series sa GMA-7 na “Descendants of the Sun.”

May movie pa rin siya sa VIVA, ang “A Hard Day.” Heard din na mukhang negative na nga raw si Derek na magawa pa ang movie.(Rose Garcia)

The post Alden magpapaiyak ng mga fan sa bagong serye appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *