Alden, Kathryn 3 linggo mamamalagi sa HK

Dumating na si Alden Ri­chards kasama ang grupo ng Dabarkads ng Eat Bulaga kahapon. Halos dalawang linggo rin silang nagbakasyon at nakapag-bonding sa Holy Land.

The post Alden, Kathryn 3 linggo mamamalagi sa HK appeared first on Abante News Online.

alden kathryn 3 linggo mamamalagi sa hk - Alden, Kathryn 3 linggo mamamalagi sa HK
kath alden 3 - Alden, Kathryn 3 linggo mamamalagi sa HK

Dumating na si Alden Ri­chards kasama ang grupo ng Dabarkads ng Eat Bulaga kahapon. Halos dalawang linggo rin silang nagbakasyon at nakapag-bonding sa Holy Land.

Nauna nang bumalik si Maine Mendoza sa Manila dahil may endorsement shoot ito na naka-schedule na.

Si Alden naman ay mapapanood sa episode ng Dear Uge sa Linggo bilang special guest. Pero balik-Sunday PinaSaya na rin siya.

‘Yun nga lang, mukhang pagbalik ni Alden, ilang araw o linggo lang ay aalis na rin ito agad. Ang dahilan, magsisimula naman siya ng shooting para sa pagsasamahang pelikula nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema na sa Hong Kong daw ang halos 90% ng location.

April ang start ng shooting nila na ang dinig namin, baka three weeks ang itatagal. So may chance na abutin ito ng Holy Week.

It’s either hindi kinayang matapos agad by Easter ang branch ng bagong pag-aaring food chain ni Alden or kaya hindi natuloy ng original plan na Easter opening dahil nga may shooting pa si Alden.

April 26 na ang opening ng sarili niyang branch at nag-release na rin ng tickets. (Rose Garcia)

The post Alden, Kathryn 3 linggo mamamalagi sa HK appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *