Alden handa sa tapatan kay Juday

Alden handa sa tapatan kay Juday

Lagare pa rin talaga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga event na kailangan niyang puntahan.

alden handa sa tapatan kay juday - Alden handa sa tapatan kay Juday
alden richardes - Alden handa sa tapatan kay Juday

Ni: Rose Garcia

Lagare pa rin talaga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga event na kailangan niyang puntahan.

Masaya si Alden sa takbo ng serye niya bilang bulag na si Sep at sa Lunes ay magsisimula na siyang magkaroon ng mga vision.

Aminado si Alden na mahirap gumanap na bulag kaya ganu’n ka-challenging sa kanya ang “The Gift”.

“Mahirap kasi, nagko-contact lens po ako rito. Mahirap pong maging emosyunal minsan kasi, may humaharang. Pero, extra effort din po sa akin ‘yun to motivate myself and i-push ang sarili ko sa mga dramatic scenes,” sabi ni Alden.

Natutuwa naman si Alden at mukhang nakakarating naman sa kanya ang magagandang feedback ng mga manonood sa pag-portray niya ng role.

Gusto rin namin ang pagiging positibo si Alden sa mga tapatan ng serye. Sa Lunes kasi, may bago na siyang katapat na serye na bida si Judy Ann Santos.

“Of course, we’re looking forward po. Panibagong istorya ang ikukuwento ng kabilang istasyon and we’re very much open to that.

“We’re very much happy with our project and we wish ‘yung katapat namin na well din po,” sagot ni Alden.

Alexa sugatan pa rin ang puso dahil kay Nash

Walang official, matatawag na mutual understanding lang daw, pero ayon kay Alexa Ilacad, totoo raw ‘yung pagmamahal na meron noong panahon na sila pa ang magkasama o magka-love team ni Nash Aguas.

Inamin din naman ni Alexa na first love niya ito. Kahit matagal nang buwag ang love team nila at very open in public ang relasyon ni Nash kay Mika dela Cruz at kahit sinasabi ni Alexa na moved-on na siya, ramdam namin the way she was talking about it ‘yung sugat na naiwan sa kanya.

Iba nga rin kasi siguro ang “young love, sweet love” bilang mga bagets pa talaga sila noon.

“Hindi naging official, pero minahal namin ang isa’t isa, parang MU. Pero, hindi joke time ‘yung love, totoo. Kung umabot siguro sa tamang edad at hindi namin pinagdaanan ang mga pinagdaanan namin, possible talaga na maging kami.”

Aminado naman ito na meron silang hindi magandang pinagdaanan kaya nagkalabuan sila. Pero not to the point na hate nila ang isa’t isa at nakakapag-usap naman daw sila.

Nilinaw rin naman ni Alexa na walang kinalaman si Mika sa nangyaring sa kanilang dalawa ni Nash. Pumasok naman daw ito, wala na talaga sila.

“Honestly, the whole time, I always knew in my heart na may space sa puso niya si Mika. I understand naman na noong ‘Goin’ Bulilit’ pa lang, sila na talaga ang kiddie lovebird.

“And I know na noong time na kami ni Nash ang nagkakamabutihan, hindi nawala ‘yung communication nila. I knew that naman. I always knew in my heart na hindi mawawala ‘yun.”

Napaka-honest ni Alexa na noong magkasama pa sila ni Nash, nagseselos daw talaga siya kay Mika. Pero nu’ng wala na sila at natuloy na ang relasyon ng dalawa, wala na raw. Parang alam na raw kasi niya sa sarili niya na du’n na rin papunta.

Tanggap na raw niya, pero may nakita raw siyang post na nabasa niyang nag-comment si Nash kay Mika na tipong thirteen years and he still loved her.

Sabi ni Alexa, “Medyo naano lang ako ro’n, eh, ‘yung time na, alam mo ‘yun, pero okay lang, it’s not my place anymore.

“But I would be lying kung sasabihin ko na hindi ako napaisip. May karapatan ba akong magselos? Kasi ang weird, e. Pero okay na ‘yun, moved-on na.”

Nakausap namin si Alexa sa last shooting day ng “Santigwar”, a horror movie from Horseshoe Productions under Direk Joven Tan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *