Alden excited ikuwento ang istorya ng mga bulag

Matindi ang anticipation sa bagong primetime teleserye ni Alden Richards na “The Gift” bilang ito ang next project niya matapos maipalabas ang record-setting movie niya sa Star Cinema.

alden excited ikuwento ang istorya ng mga bulag - Alden excited ikuwento ang istorya ng mga bulag
the gift - Alden excited ikuwento ang istorya ng mga bulag

Allan Diones Pak 336x224 - Alden excited ikuwento ang istorya ng mga bulag

Matindi ang anticipation sa bagong primetime teleserye ni Alden Richards na “The Gift” bilang ito ang next project niya matapos maipalabas ang record-setting movie niya sa Star Cinema.

Very happy si Alden dahil sobrang nainlab daw ang cast sa well-written story ng “The Gift” kaya lalo siyang na-excite bumalik sa primetime.

First time makatrabaho ni Alden si Direk LA Madridejos, na sinabing ang main goal nila sa seryeng ito ay ang maka-inspire at magbigay ng pag-asa.

Sey ng Asia’s Multimedia Star, ang mga Pinoy ay likas na mahilig sa drama at sa mga ganitong istorya.

Ang karakter niyang si Sep ay nabulag at bata pa lang ay marami nang pinagdaanan sa buhay matapos mahiwalay sa tunay na magulang.

First time gaganap na bulag ni Alden at excited siya sa panibagong challenge na ito sa pagiging aktor niya.

Aniya, sobrang fresh ng approach ni Direk LA sa “The Gift” at talagang nilu-look forward palagi ng cast na mag-taping para makagawa ng magagandang eksena.

Sa pamamagitan ng seryeng ito ay makakapagbigay daw sila ng insight tungkol sa mundo ng mga bulag at excited si Alden na ikuwento sa mga tao ang istorya ng mga ito.

Pinaghalo raw nito ang comedy at tunay na drama ng buhay, na na-miss niyang gawin.

Sina Jo Berry as Nanay Strawberry at Elizebth Oropesa as Lola Char ang kumupkop sa batang Sep. Bespren niya sina Mikoy Morales as Bistek at Mikee Quintos as Amor.

Reunited dito sina Alden at Jean Garcia, na gumaganap bilang tunay na ina ni Sep na si Nadia. Bumalik daw ang feels nila noon sa una nilang pinagsamahan ni Madam Jean na “Alakdana” at “One True Love.”

Marami silang eksenang kinunan sa Maynila tulad ng Divisoria at Quiapo, na malaking tulong daw ang location para mas maramdaman nila ang kanilang mga role, kahit medyo mahirap ang crowd control sa nasabing lugar.

Ngayong gabi na ang inaabangang simula ng “The Gift” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Beautiful Justice.”

Kuya Boy di kilala ang mga bagong Kapamilya star

Napanood namin ang live coverage ng iWant sa 2019 ABS-CBN Ball at naaliw-aliw kami sa host na si Tito Boy Abunda, na hindi kilala ang karamihan sa bagong Kapamilya stars.

Buti na lang ay nandu’n si Bianca Gonzales na magiling sumalo. Pati ‘yung chargen operator ay hindi kinaya at kagulo ito sa names, na obviously ay hindi rin nito kilala ‘yung mga rumarampang celeb.

As usual ay standout ang KathNiel sa red carpet. Gandara si Kathryn Bernardo in her sparkly, fuchsia pink Michael Cinco couture na may Philippine indigenous print. Keri rin ni Kath ang kanyang nilugay na wavy hair.

Parang si Daniel Padilla lang ang makakapagdala ng suit nito na gawa sa Benguet fabric with Barong inside, na gawa ng Iloilo designer na si Jor-el Espina. Puma-fashionista na talaga si DJ, in fairness.

Standout din ang JaDine. Si Nadine Lustre ay naka-sparkly red gown ni Michael Leyva, na ang linis at eleganteng tingnan, hindi katulad ng pa-edgy look niya last year.

Si James Reid din ay ang guwapo at mukhang mabango in his white suit by Paulo Lazaro with a velcro sash na colors of the Philippine flag.

Beautiful as usual si Liza Soberano sa kanyang Patricia Santos gown with Barong details, na ang escort niyang si Enrique Gil ay naka-black Randy Ortiz Barong with turtleneck.

Si Julia Barretto ay simple lang pero may impact sa kanyang white Rajo Laurel gown with hand-painted sampaguita details. Ang sweet, ang wholesome at ang virginal ng dating ni Julia.

Si Gerald Anderson ay naka-green Barong, na ang sabi ng netizens ay nag-blend ito sa mga halaman sa background.

Ang nangangabog every year na si Kim Chiu ay bonggadera ang Barong-inspired serpentina gown by Kapampangan designer Benj Leguiab.

Hirap maglakad si Kimmy at effort na effort ito sa red carpet, buti na lang ay hawak ng boyfie niyang si Xian Lim ang mga kamay niya. Kinarga pa siya nito pababa ng hagdan, na para silang bagong kasal!

PAK!!

P50M pondo kinumpirma ng FDCP

Kalat na kalat pala ‘yung chika na kesyo P50M daw ang ginastos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa magarbong selebrasyon ng 100 years of Philippine Cinema.

Ginanap ang Sine Sandaan sa New Frontier Theater nu’ng Huwebes at nakausap namin doon si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na punong abala sa event.

Nilinaw niya na ang P50M na ‘yon ay binigay na co-production fund for next year ng FDCP. Location incentive fund daw ito na makaka-attract ng foreign productions to shoot in the country.

“It’s a scheme na gagawin natin para mas lalong dumami ‘yung productions na gagawin dito sa Pilipinas,” pakli ni Liza.

So, hindi para sa Sine Sandaan ang P50M na ‘yon?

“Ay, hindi! Oh no, not at all! Kung nakita n’yo kung gaano kalaki ‘yung event na ‘to, hindi n’yo aakalain na P8M lang ‘yung pera namin para dito dahil ang daming tumulong talaga,” pakli niya.

Galing daw sa Department of Tourism ang nasabing budget. ‘Yung P50M is for another program na matagal na raw nilang nila-lobby, finally ay nakuha na ng FDCP.

“Acually, kung may P50M ako, I will spend it for this one because our industry deserves no less. Pero I don’t have P50M, so salamat DOT.

“Ayaw nilang magpaano (magbanggit na sa kanila galing ang P8M budget ng Sine Sandaan), pero grabe ang suporta nila sa amin.”

Natanong din si Ms. Liza kung anong naging basehan sa pagpili ng 300+ luminaries na pinarangalan nila nu’ng gabing ‘yon.

May mga nagtataas kasi ng kilay sa ilang mga napili at may tanong ‘yung mga sinasabing mas deserving na hindi napasama sa luminaries list.

Aniya, binase nila ‘yon sa magaganap nu’ng gabing ‘yon bilang milestone celebration ang ika-100 taon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Kasama raw dito ang iba’t ibang sektor, so merong mga behind the camera gaya ng scriptwriters, editors etc. dahil bahagi rin daw ang mga ito ng industriya, hindi lang ‘yung malalaking artista.

Marami raw pinagdaanan ang pagpili nila na ‘yon. Kumonsulta raw sila sa iba’t ibang institusyon na kasama sa committee ng organizing council ng Sandaan.

Tumawag din daw sila sa mga guild at nagpa-nominate ng mga pangalan, tapos ay nagtanong sa mga historian hanggang sa mapili nila ang mga pangalan.

At kaya raw hindi nila nilabas ang listahan ay dahil wala pa man ay ang dami nang nagrereak. Ayaw raw niyang patayin ‘yung moment na ‘yon, na pupunta sa event ang mga imbitado na may agam-agam na baka ma-judge sila.

“This is not for FDCP’s promo, na gagamitin namin ‘yung mga artista na kasali rito para lang lumaki at magkaroon ng relevance sa FDCP.

“No, this is for them. So, as much as possible, mas less intriga, mas maganda. Because I just want everybody to be happy tonight,” bulalas ni Chair Liza.

Aminado ang maybahay ni Ice Seguerra na may mami-miss na names sa ginawa nilang listahan, pero umpisa pa lang daw ito at may isang taon pa raw na selebrasyon ang sentenaryo ng Philippine cinema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *