Alden dream leading man ni Kyline

Pangarap ni Kyline Alcantara na maging leading man si Alden Richards. May kabutihan kasing ginawa si Alden sa nanay ni Kyline sa nakaraang biyahe nila sa New York City.

alden dream leading man ni kyline - Alden dream leading man ni Kyline
alden x kyline - Alden dream leading man ni Kyline

Jun Nardo I Know Better 13 336x224 - Alden dream leading man ni KylinePangarap ni Kyline Alcantara na maging leading man si Alden Richards. May kabutihan kasing ginawa si Alden sa nanay ni Kyline sa nakaraang biyahe nila sa New York City.

“Siyempre, ‘yung artists, business class ang ticket at economy naman sa mga kasama.

“Eh matagal ang stop overs kaya kaming business class, puwedeng makapahinga sa lounge ng airline. Para makapasok ‘yung pasahero na hindi business class, may bayad.

“’Yung nanay ko, gustong pumasok sa lounge kaya nang magbabayad na siya, nakita ito ni Alden. Siya na ‘yung nagbayad eh kahit hindi naman ganoon kalaki ‘yon, na-touch ako sa ginawa niya,” kuwento ni Kyline.

Nagkakasama naman sa Sunday show sina Alden at Kyline pero bihira silang magkausap dahil marami sila roon at mabilisan ang takbo ng kanilang trabaho sa show.

Anyway, mapapanood na sa big screen si Kyline sa “Black Lipstick” matapos makagawa ng ilang indie movies.

Gil Cuerva ‘di na mukhang girlash

Goodbye na sa kanyang long hair si Gil Cuerva matapos ang limang taon.

Ipinakita sa “24 Oras” ang video ng pagputol ng buhok ng Kapuso hottie at ang celebrity hairstylist na si Peps Silvestre ang umayos ng bagong hairstyle.

Ayon kay Gil, good move raw para sa kanyang career ang paiksian ang buhok. Saka isa siyang PDEA agent sa series nila nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene, kaya dapat din lang sundin niya ang tamang estilo ng buhok ng law enforcers.

Kahit maiksi na ang buhok, lutang na lutang pa rin ang kakisigan ni Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *