Alden, Derrick bet gawing magjowa

Bukod kina Keann Johnson at Adrian Lindayag, mga bida sa pelikulang The Boy Foretold by the Stars, na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival 2020, at prodyus ng Clever Minds Productions, at ni Jodi Sta. Maria, inamin ni Direk Dolly Dulu, na kung mabibigyan ng chance, at pantasya lang naman, bet sana niyang maging bida rin sina Alden Richards at Derrick Monasterio sa pelikula.

The post Alden, Derrick bet gawing magjowa first appeared on Abante.

alden derrick bet gawing magjowa - Alden, Derrick bet gawing magjowa
Alden Derrick - Alden, Derrick bet gawing magjowa

Bukod kina Keann Johnson at Adrian Lindayag, mga bida sa pelikulang The Boy Foretold by the Stars, na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival 2020, at prodyus ng Clever Minds Productions, at ni Jodi Sta. Maria, inamin ni Direk Dolly Dulu, na kung mabibigyan ng chance, at pantasya lang naman, bet sana niyang maging bida rin sina Alden Richards at Derrick Monasterio sa pelikula.

Naloka nga kami sa sagot ni Direk Dolly sa tanong na ‘bukod kina Keann at Adrian, sino pa ang mga artistang naiisip niya na gawing bida sa ‘The Boy Foretold by the Stars’ kung halimbawang magkaroon ito ng sequel?

At bakit nga ba sina Alden at Derrick?

“Noong unang pini-pitch koi to, ang nasa wish list lang naman, alam ko naman na hindi mangyayari, pero nasa isip ko talaga sina Alden at Derrick.

“Bakit nga ba sila? Noong time na `yon maingay silang dalawa. At saka pasok sa looks, pasok sa age, pasok sa acting.

“Sila talaga ang pini-pitch ko noong time na `yon, sina Alden at Derrick, kahit alam kong hindi naman papayagan. Hahahaha!” sabi ni Direk Dolly.

Well, wala namang masama kung maisip mong i-cast sina Alden at Derrick, dahil pareho namang mahusay umarte ang dalawa.

Ngayon pa ba na usong-uso ang mga boys love movie, serye.

Kung ang mga mahuhusay at beteranong aktor na parehong pumanaw na, sina Eddie Garcia at Tony Mabesa ay nakagawa na rin ng pelikula na may ganung tema, ang Rainbow Sunset.

At ngayon nga ay may ganiyang movie rin sina Phillip Salvador at Michael de Mesa, ang ‘Isa Pang Bahaghari’ na pasok din sa MMFF 2020, di ba?

Ang Rainbow Sunset at Isa Pang Bahaghari ay parehong dinirek ng award winning director na si Joel Lamangan.

So, wala naman sigurong masama kung maisipan mong alukin din sina Alden at Derrick, di ba?

Pero siyempre, for sure, magri-react ang mga fan ni Alden, at papalag talaga sila. (Dondon Sermino)

The post Alden, Derrick bet gawing magjowa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *