Alden close agad sa mga Kapamilya star

Hindi lamang ang ilang fan video at fan picture ang naglabasan sa shooting nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Hong Kong, marami ring mga kuha ang mga Pinoy fan na nasa HK sa mga taong dumudumog sa dalawa.

The post Alden close agad sa mga Kapamilya star appeared first on Abante News Online.

alden close agad sa mga kapamilya star - Alden close agad sa mga Kapamilya star
ABANTE alden 1 - Alden close agad sa mga Kapamilya star

Ni Rose Garcia

Hindi lamang ang ilang fan video at fan picture ang naglabasan sa shooting nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Hong Kong, marami ring mga kuha ang mga Pinoy fan na nasa HK sa mga taong dumudumog sa dalawa.

May isang buwan din ang magiging shooting ng Star Cinema’s “Hello, Love, Goodbye” sa lugar.

Parang may show ang KathDen sa Hong Kong sa dami ng tao. Very evident din sa mga social media post ng mga cast na kasama tulad nina Maymay Entrata, Lovely Abella, Kakai Bautista at Joross Gamboa kung gaano na sila ka-bonded kahit mahigit isang linggo pa lang sila sa HK.

In fairness sa movie na ito, walang effect ang network war o kung saan man silang network konektado.

Anyway, hindi naman mami-miss ng mga fan niya si Alden ngayong Holy Week. Nu’ng Lunes ay nasa “Bulawan” lenten episode siya sa “Eat Bulaga” at sa Sabado naman ang lenten episode ng APT Films na pagbibidahan pa rin ni Alden.

Aliw ang comment ng isang fan sa Twitter na nabasa namin. Sabi ni @pasweet, “Warm-up lang ‘to guys ah. wag nyo ubusin tissue nyo, meron pa sa Sabado.”

Sa Instagram post ni Richard Gomez habang magkahawak-kamay sila ni Cong. Lucy Torres-Gomez, hindi maitatanggi ang pagmamalaki nito sa mga nagawang pagbabago sa bayan nila sa Samar habang naglalakad daw after their campaign sorties.

Post ni Goma sa nagawa ni Lucy nega ang dating sa mga netizen

Natuwa ito sa naipagawa raw na kalsada ni Lucy.

“During one of our campaign sorties @lucytgomez and I stepped out of our car to check one of the roads that Lucy built. We took our time look at the beautiful views and smell the fresh air of our province while walking the newly cemented road,” sabi ni Richard.

Pero kung pagbabasehan namin ang majority ng komento ng netizens sa post ni Richard, mukhang hindi positibo ang naging dating sa kanila ng pagsasabi nitong “one of the roads that Lucy built.”

Kinorek si Richard ni @doryfab na, “should have been written as road built with the supervision of Lucy using people’s tax money.”

Sinagot naman ito ni Goma ng, “supervision is w the dpwh. Initiative is w Lucy to have the roads built.”

Sabi naman ng isang netizen, “Mayor, initiative po ni Ma’am Lucy ang pagpapagawa ng kalsada… pero at the end of the day, taxpayers or taongbayan pa din ang gumastos.”

Ang naging reply naman ni Goma dito, “of course. Pero kapag tamad ang congressman mo konti lang ang magagawa na kalsada sa lugar nyo.”
Sabi pa ni Richard, “Congressman are the biggest builder of roads in our country.”

Sa isang banda, may mga dumepensa rin kay Richard at sinabing masyado raw literal kung intindihin ng mga follower ang post ng actor/politician.

The post Alden close agad sa mga Kapamilya star appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *