Alden beauty queen ang bagong kalambingan

Ang beauty queen-turned-actress na si Cynthia “Thia” Tomalla ang nababalitang napiling bagong leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa bago nitong pagbibidahang Kapuso teleserye na “The Gift”.

alden beauty queen ang bagong kalambingan - Alden beauty queen ang bagong kalambingan
alden 12 - Alden beauty queen ang bagong kalambingan

Ang beauty queen-turned-actress na si Cynthia “Thia” Tomalla ang nababalitang napiling bagong leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa bago nitong pagbibidahang Kapuso teleserye na “The Gift”.

Kuwento ito ni ­Joseph na nakikita ang mga mangyayari, na kahit isang bulag.­ ­Ginagamit niya ang “gift” para makatulong­ sa mga tao.

Huling napanood si Alden sa ­telefantasya na “Victor Magtanggol” noong 2018.

Ang “The Gift” naman ang unang teleserye ni Thia na nanalong Miss World Philippines-Eco ­International 2017 at siya ang kauna-unahang ­Filipina na nagwagi bilang Miss Eco International­ sa Cairo, Egypt.

Ka-batch ng Fil-German ­beauty queen from Southern Leyte sina Laura Lehmann (Miss World ­Philippines), Sophia Senoron (Miss ­Multinational) at Winwyn Marquez (Reina ­Hispanoamericana).

Pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Thia at napapanood siya sa lifestyle show ng GMA NewsTV na “Glam Up” kunsaan kasama niya sina Winwyn at Michelle Dee.

Big break nga para kay Thia ang maging leading lady ni Alden na isa sa sough-after male celebrity ngayon.

“It has always been my personality to strive for personal growth. Showbiz is a different kind of feeling because unlike beauty pageants­, which I am used to, this is a new experience for me — new environment­, new projects, new people. It’s another beginning.

“I am ecstatic at this opportunity although I also can’t help but feel the pressure just thinking about my new projects,” sey ni Thia na dream din makatrabaho sina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Solenn Heussaff.

Bukod sa pagiging Kapuso, ­pumirma rin si Thia ng three-picture contract with Regal Films.

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *