Alden, Bea ‘romansa’ aprub sa mga fan

Ika-29th birthday ng Asia’s Multimedia Star ngayong January 2. Usually, nagse-celebrate si Alden ng birthday niya kasama ang mga kaibigan mula sa Eat Bulaga at mga kasama niya mula pa Tween Hearts at mga malalapit na kaibigan sa GMA-7.

The post Alden, Bea ‘romansa’ aprub sa mga fan first appeared on Abante.

alden bea romansa aprub sa mga fan - Alden, Bea ‘romansa’ aprub sa mga fan
abante alden bea - Alden, Bea ‘romansa’ aprub sa mga fan

Ika-29th birthday ng Asia’s Multimedia Star ngayong January 2. Usually, nagse-celebrate si Alden ng birthday niya kasama ang mga kaibigan mula sa Eat Bulaga at mga kasama niya mula pa Tween Hearts at mga malalapit na kaibigan sa GMA-7.

Madalas na ginagawa ito ni Alden sa kanyang Conchas’s Garden and Restaurant sa Tomas Morato, pero sa pagpasok ng 2021, alam namin, for permanent closing na ang naturang branch. Epekto ng pandemic.

Pero, iba ang positive spirit na meron kay Alden. Hindi ito madaling mag-give-up at talagang naniniwala na may mawala man, may siguradong kapalit.

Naging mahirap man ang 2020 para sa karamihan, masasabi pa rin ni Alden na isa siya sa masuwerte pa rin ng nagdaang taon especially in-terms of his career. Sa 2021 ay inaabangan na ang pagsasama nila ni Bea Alonzo sa isang pelikula.

Bagong dekada ang 2021 para kay Alden at siya na mismo ang nagsasabi, kung meron man siyang isa sa gustong pagtuunan ng pansin ngayon, ito ay ang pagkakaroon ng special someone.

At sana nga, hindi lang ang career niya ang maging successful this year, maging matagumpay na rin sana si Alden sa paghahanap o pagpili ng kanyang “the one.”

At may nagsasabi na bagay rin sila ni Bea, since magsasama nga sila sa movie, at mapapadalas ang pagsasama. Mukhang aprub naman sa mga fan ang ‘romance’ na posibleng mabuo sa kanilang dalawa. (Rose Garcia)

The post Alden, Bea ‘romansa’ aprub sa mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *